^

Pang Movies

Melai at Jason, pinagmalaking may kakaibang charm ang anak  

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Melai at Jason, pinagmalaking may kakaibang charm ang anak         

Huwag isnabin, Salve A., ang magse-seven years old na anak ng komedyanteng si Melai Cantiveros.

Hindi man siya kagandahan, dahil ayon kay Melai, ay wala naman pagmamanahan, may taglay siyang kakaibang charm. Na ipinagmamalaki ng kanyang amang si Jason Francisco dahil napakabait din daw nito (Amelia is her name), bukod sa matalino.

Well, may kanya-kanyang katangian ang bawat isa sa atin.

Agree or disagree ka, Salve A.?

Dingdong at Marian, ‘di hahadlangan si Zia sa showbiz

Well, ang tiyak na gagan­dang lalo paglaki niya ay ang panganay nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Six years old lang si Zia, pero dama nang nakaka­kita sa kanya ang kanyang physical assets.

Bale ba, matalino at friendly si Zia. Bukod sa mabaait din, tulad ng kanyang parents.

Hindi raw hahadlang ang either kina Dingdong at Marian if sa tamang edad niya, gugustuhin niyang mag-artista rin tulad ng kanyang parents.

Agot, na-realize na walang kontrabida sa totoong buhay

Nagtapos kahapon, Feb. 4, ang airing ng La Vida Lena, where Agot Isidro, Janice de Belen at Erich Gonzales all play kontrabida.

And already, the three of them are terribly missing each other. Explained Agot, “Lock in kasi ang taping namin. Which took ilang months din.

“Kaya naging extra close kami. Pati na ang mga leading men namin na sina Kit Thompson at JC de Vera. We promised to keep in touch.  At sana,” ani pa Agot, “magkakaroon muli ng pagkakataong magkasama-sama kaming muli sa isang project.

“At sana, hindi na kontrabida ang role naming tatlo,” susog pa ni Agot.

Actually, ayon muli kay Agot, sa kanilang tatlo, mas at home siya sa mga kontrabida role.

Pawang pambida dati ang mga role na ginagam­panan nina Janice at Erich. “Minsan,” tukoy ni Agot. “sa aming pag-uusap na tatlo, we all realized na wala talagang kontrabida sa buhay natin.

“Rather, it’s the situation which matter. May pagkakataong may mga bagay-bagay na nagaganap sa atin, na hindi natin alam kung paano naganap at bakit naganap. Higit sa lahat, bakit nagaganap.

“Kaya, in any situation, let’s seek God’s help always,” from Agot.

Sue, kinabubuwisitan ang sarili

Of kontrabidas, to the max na raw ang pagiging kontrabida ni Sue Ramirez as Lexy, sa highly-rated series, The Broken Marriage Vow, she (Sue) herself is starting to hate her.

Kabit nga lang siya supposedly ni Zanjoe Marudo, pero, siya pa ang may ganang magmalaki, lalo’t nang malaman niyang nagdadalang-tao si Jill, asawang tunay ni Zanjoe at ginagampanan ng magaling na aktres na si Jodi Sta. Maria.

Pero, pakiusap niya sa sumusubaybay sa series, for them to continue watching The Broken Marriage Vow up to its ending.

Hahangaan din daw nila ang mga direktor nito na sina Concepcion Macatuno at Andoy Ranay. Napapanood ang The Broken Marriage Vow sa Kapamilya Channel, A2Z at TV5.

vuukle comment

MELAI CANTIVEROS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with