^

Pang Movies

Kristoffer at AC, kasal na!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Kristoffer at AC, kasal na!

Congratulations and best wishes sa mga bagong kasal na sina Kapuso actor Kristoffer Martin and AC Banzon. Ikinasal ang dalawa sa isang civil wedding sa Capas, Tarlac noong Huwebes ng gabi yata (hindi kasi malinaw ang exact date ng kasal ng dalawa).

Ang sabi sa report, kabilang sa sumaksi sa kasal nila ang anak nilang si Pre. Intimate affair lang daw ang naganap dahil na rin sa COVID-19 restrictions, kaya pamilya lang at siguro, ilang malalapit na kaibigan ang dumalo.

Matatandaang nalagay sa matinding pagsubok ang relasyon nina Kristoffer at AC nang makarelasyon ni Kristoffer si Liezl Lopez. Nag-break din ang dalawa at masalimuot ang break-up na ‘yun dahil nagpalitan ng salita sa Twitter.

Nanaig din ang true love at tiyak na ang anak nilang si Pre ang isa sa pinakamasaya dahil kumpleto na uli ang pamilya nila.

Anyway, magaling na aktor si Kristoffer at sana, mabigyan siya ng GMA 7 ng meaty role, ‘yung mailalabas niya ang husay sa acting. Sa ngayon, ay sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento lang siya napapanood.

Mavy at Kyline, nagkakaintindihan sa relasyon

Hindi pa rin madiretsang aminin nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara ang relasyon nila sa final mediacon ng I Left My Heart in Sorsogon.  “Our own type of relationship” at “special relationship” ang sagot ng dalawa nang ipa-describe ang kanilang relasyon.

Ibig kayang sabihin nito, nanliligaw pa rin si Mavy kay Kyline? Kung sila na, madaling sagutin ng “yes” ang tanong lalo na at kilala ng press si Kyline na diretsa sumagot. Sabagay, sabi ni Kyline, hindi maiintindihan ng iba ang kanilang relasyon at sila lang ni Mavy ang nagkakaintindihan. “Definitely! We are not taping friends. Lagi naming sinasabi na we have a special bond. Hindi ito pang-publicity,” ani Kyline.

Nag-agree kay Kyline si Mavy at dinagdagan ang sinabi ni Kyline ng “This is not for publicity, hindi ito love team for the show sa mga nagsasabi. This is only the beginning, we have a lot in store for you (ang fans nila ni Kyline).”

Sa tanong kay Kyline kung bakit vocal siya sa kanila ni Mavy? “Super confident ako na hindi ako sasaktan ni Mavy kaya naging vocal ako. Deserve niya ipakita ko sa lahat kung gaano ako ka-proud sa kanya,” sagot ni Kyline.

Magtatapos ang I Left My Heart in Sorsoson na mula sa direction ni Mark dela Cruz.

Toni at Angelica, pinagkumpara!

May pagkukumpara ang netizens kina Toni Gonzaga at Angelica Panganiban dahil si Angelica, supporter ni VP Leni Robredo at si Toni ay supporter ni Bongbong Marcos.

Nakumpara ang dalawa dahil sa inilabas na video ni Angelica na nagtuturo kung paano pumili ng tamang iboboto. Actually, walang kinalaman si Toni kay Angelica, nagkataon lang na asawa siya ni director Paul Soriano na may isyu ngayon dahil siya ang director ng campaign ad sa TV ni Bongbong.

Parehong ABS-CBN talents sina Angelica at Toni at parehong professional, tiyak na kapag aksidente silang magkita, magbabatian sila.

Gabby, ibinida ang throwback nila ni KC

Si Gabby Concepcion naman ang nag-post ng old photo nila ni KC Concepcion, litrato noong bata pa si KC at kuha yata sa beach house ni Gabby sa Lobo, Batangas. Ang cute ni KC sa picture, may missing front teeth pa siya.

Ang caption ni Gabby sa picture ay “Some people live  a life time for moments like this” na sinagot ni KC ng “I LOVE YOU SO MUCH!!!!”

Marami rin ang nag-comment at request nila kay Gabby, mag-post pa ng old photos nila ni KC.

Samantala, sa Feb. 14, pagkatapos ng 24 Oras ang world premiere ng First Lady na kung saan, first lady na ang karakter ni Sanya na si Melody. Mula ito sa direction ni LA Madridejos at second director si Rechie del Carmen.

vuukle comment

KRISTOFFER MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with