^

Pang Movies

Dennis, lutang ang pagmamahal kay Jennylyn

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Dennis, lutang ang pagmamahal kay Jennylyn

Mukha namang mahal na mahal ni Dennis Trillo si Jennylyn Mercado. Makikita mo sa photos nila na alagang-alaga ni Dennis si Jennylyn, at sa body language nila na talagang nagmamahalan sila.

Sana nga ito ang maging lasting relationship nila pareho dahil meron na silang parehong anak sa iba, plus ngayon na magkakaroon sila ng sarili nilang dalawa.

Lalo na nga at nalagpasan na nila ‘yung storm ng past relationship.

Goodluck kina Dennis at Jennylyn, at sa panganganak niya na sana maging healthy at ligtas sila ng baby niya.

Mga nagpa-booster, takot pa rin?!

Hindi rin nakakalimot si Cris Roque ng Kamiseta, Salve. Talagang in time for the Chinese New Year ‘yung invitation niya for a Japanese lunch kasama tayo nina Pat-P Daza at Leo Espinosa. Lagi rin siyang concern sa kung ano ang lagay natin kaya panay ang kumusta at sabi ko nga, pareho kayo ni Gorgy Rula na parang paranoid dahil sa COVID, hah hah hah.

Ewan ko ba kung bakit bakunado na tayo with matching booster eh parang takot na takot pa kayong lumabas. Para bang lahat ng sulok duda kayo na merong Omicron hah hah hah.

Sabagay, maganda naman iyang sobrang ingat ninyo dahil hindi nga natin alam kung bakit ‘yung iba tinatamaan. Saka kahit nga bakunado at protektodo, nagkakaroon pa rin. Kaya ok lang na very careful talaga ang lahat para himinto na si COVID sa paghahatid ng lagim.

Happy Chinese New Year sa mga kapatid nating Chinese, enjoy the day.

vuukle comment

DENNIS TRILLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with