^

Pang Movies

Seth, bumawi sa fans nila ni Andrea   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Seth, bumawi sa fans nila ni Andrea              

Sa gitna ng mga ispekulasyon na may namumuong relasyon kina Seth Fedelin at Francine Diaz, nagbigay ng mensahe ang young actor sa mga nag-aalalang fans nila ni Andrea Brillantes.

“Eto ha, gaya ng sinabi ko kagabi, SethDrea will conquer the world, okay? At siguro naman sa sinabi ko na ‘yun, nasagot ko na ang tanong n’yo,” pahayag ni Seth sa isinagawang online donation drive event sa KUMU called Isang Daan Sa Pagtutulungan. Ang nasabing fundraising ay para sa mga nasalanta ng bagyong Odette.

Dagdag pa ni Seth, “syempre, SethDrea is forever.”

Kinilig naman ang SethDrea fans sa sinabi ng young actor at may nagkomento nga na makakatulog na raw siya nang mahimbing ngayon at nagpasalamat sa sinabi ni Seth.

Nagpaunlak din ang batang aktor nang may fan na magtanong kung anong pinaka-kilig message niya na ipinadala sa isang girl.

Sagot ni Seth, “’eto ang tinext ko: ‘Tapos na ako kumain, kakarating ko lang ng bahay, tapos na ako kumain at maya-maya papasok na rin ako sa Zoom.”

Kinantiyawan na agad siya ng mga kasamang sina Jeremy Glinoga, Joao Constancia, Jameson Blake at hosts na sina Alora Sasam at Darla Sauler. Pero ani Seth ay hindi pa raw tapos ang text niya.

“’Eto, sabi ko lang naman, ayun, ‘gusto ko lang uli ipaalala sa’yo kung ano ‘yung tayo, saan tayo nagsimula. Alam natin sa isa’t isa ‘yung mga bagay-bagay.’ Yun lang naman ang sabi ko sa kanya at naiintindihan na niya ‘yun. ‘Yun. ‘See you sa nalalapit nating Lyric and Beat and ‘yun, let’s conquer the world,’” sey ni Seth.

Pakenkoy pa niyang mensahe, “I mitt (miss) you!”

Obviously, si Andrea ang babaeng pinatutungkulan ni Seth dahil ang Lyric and Beat ay ang upcoming musical series nilang dalawa.

Sey pa ni Seth, “alam na nila kung sino ‘yun. Sino pa ba ang kasama ko sa Lyric and Beat?”   

Isa pang pakilig ni Seth ay nang matanong sila kung ano ang pick-up line na ginagamit nila kapag gusto nilang makipagkilala sa girl.

Ang unang sagot ni Seth ay “Hi” daw ang sasabihin niya pero maya-maya ay binawi niya ito at aniya, bawal daw siyang mag-Hi sa iba.

“Dedma lang (sa ibang girls). Siyempre, isa lang ang gusto ko,” sambit ni Seth.

When asked kung sino ang nagbabawal, sagot ni Seth, “wala, hindi siya nagbabawal, gusto kong ginagawa. Pagkukusa.”

‘Yun na! So, siguro naman, makakampante na ngayon ang SethDrea fans sa mga sinabi ni Seth.

vuukle comment

SETH FEDELIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with