^

Pang Movies

Sisid ni Brillante Mendoza, umaapaw ang nagbabagang drama

Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihahandog ng Viva Films at Center Stage Productions ang pelikulang sisisid sa malalim na dagat ng pag-ibig, mula sa award-winning director na si Brillante Mendoza, Sisid. Tampok dito sina Kylie Verzosa, Christine Bermas, Paolo Gumabao at Vince Rillon.

Si Jason (Paolo Gumabao), isang Marine Biologist, at ang kanyang asawa na si Abby (Kylie Verzosa) ay magpupunta sa Pola, Mindoro, kung saan aatasan si Jason na pamunuan ang rehabilitation at preservation ng isang fish sanctuary. Doon makikilala ni Jason ang kanyang diving assistant na si Dennis (Vince Rillon), at mabilis silang magkakasundo. Habang magkasama sa trabaho, mas makikilala nila ang isa’t isa. Makikilala ni Jason ang pamilya ni Dennis sa kanyang mga kwento, at bilib si Dennis sa pagmamahal ni Jason sa kanyang trabaho. Malalaman din nila ang kani-kanilang malalaking problemang hinaharap. Nabuntis ni Dennis ang kanyang girlfriend na si Tanya (Christine Bermas), habang si Jason at Abby naman ay ilang taon nang sumusubok na magbuntis, ngunit bigo sila dahil sa sakit ni Abby.

Sa pagdaan ng mga araw, mahuhulog ang loob nina Jason at Dennis sa isa’t isa, at ‘di magtatagal ay bibigay rin sila sa tawag ng kanilang katawan. Ngunit magiging magulo ang lahat sa pagkakatuklas ni Abby sa kanilang lihim na relasyon, at mahuli sila sa akto ng pagtatalik. Mas magiging malala ang sakit ni Abby at kakailanganin niyang madala sa hospital. Ngayon, kakailanganing mamili ni Jason kung mananatili siya sa tabi ni Abby o sasama siya kay Dennis. Anuman ang kanyang piliin, siguradong may isang masasaktan.

 Nagbabalik ang award-winning director na si Brillante Mendoza sa pelikulang Sisid na hindi lang puno ng maiinit na eksena, kundi puno rin ng nagbabagang mga emosyon at drama.

Mapapanood ang komplikadong emosyon ng mga relasyon umpisa kahapon sa Vivamax.

vuukle comment

BRILLANTE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with