^

Pang Movies

Iza, pinanghihinayangan kay Piolo

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Iza, pinanghihinayangan kay Piolo

Natawa kami sa “Huuuy!!!” reaction ng husband ni Iza Calzado na si Ben Wintle sa caption ni Iza sa magkayakap nilang photo ni Piolo Pascual. Ang caption kasi ni Iza ay “Kilig! That priceless feeling every time I see you. Love you, B. Salamat @piolo_pascual” na ipinag-react nga ng asawa ni Iza.

Ang sagot ni Iza sa reaction ng husband niya ay “@benmwintle hihihi.”

Natawa rin ang follo­wers ni Iza sa reaction ni Ben at lumabas na maraming shippers ang tambalan nina Iza at Piolo. Ayan, tuloy, nagre-request sila sa ABS-CBN na pagsamahin sa teleserye ang dalawa o kaya’y isa pang pelikula sa Star Cinema.

Panalo ang comment na bagay sana sina Piolo at Iza, kaya lang, may asawa na si Iza at si Piolo naman, matagal nang may “what you see is what you get” relationship kay Shaina Magdayao.

Joyce, na-pressure sa kanyang ninong

Inaanak pala sa kasal ni Dingdong Dantes si Joyce Ching at sinabi ito ni Dingdong sa shoutout niya sa mga kasama sa I Can See You: AlterNate. Nag-post si Dingdong ng behind the scene photo nila ni Joyce galing sa mini-series at sa caption, binanggit niyang ninong siya sa kasal ni Joyce at ng asawa nito.

“Sinasabi siguro ni Joyce ito: “Kuya kita rito pero di nila alam Ninong talaga kita.”

“Mula sa pagiging inaanak sa kasal sa totoong buhay, hanggang sa naging maingay at makulit na kapatid sa TV- you’re always fun to be with, @chingjoyce! Excited akong mas makilala ka nila sa I Can See You: Alternate. Sa January 10 na!”

Ginagampanan ni Joyce sa AlterNate ang role ni Angie Trajano na kapatid ng Michael Trajano charac­ter ni Dingdong. Nakakatuwa ang mga eksena nila, laging nag-aaway at nagbabangayan.

“Na-pressure ako acting with Kuya Dingdong. I’ve watched his projects at magaling siya. Nakakahiya kung hindi ka makakasabay sa kanya at sa iba mo pang co-actors,” wika ni Joyce.

Bukas na, Jan. 10, 8:50 p.m., ang world premiere ng AlterNate mula sa direction ni Dominic Zapata.

Rodjun, nagkatotoo ang pangako kay Jo Berry

Natupad ang sinabi ni Rodjun Cruz kay Jo Berry two years go na magiging magka-love team sila dahil nangyari na sa Afternoon Prime ng GMA 7 na Little Princess. Naalala ni Rodjun ang tungkol dito sa mediacon ng serye na pinagbibidahan ni Jo.

Nakasama ni Rodjun si Jo sa Wish Ko Lang at sa kanilang kuwentuhan, nasabi niya rito na siya ang prinsesa ng GMA. “Sabi ko sa kanya, ‘wait mo ko, magiging magka-partner pa tayo... magiging magka-love team tayo” na nangyari nga.

After two years, magkasama na sina Rodjun at Jo sa Little Princess at isa siya sa leading man ni Jo, ang isa pa ay si Juancho Trivino. Hindi makapaniwala si Rodjun na magkakatotoo ang sinabi niya kay Jo at bukas nga, premiere na ng series nila.

Bianca, gustong ligawan ng baguhang Kapuso star!

Maitanong nga kay Ruru Madrid kung puwede nang ligawan ng iba si Bianca Umali? May interview kasi sa bagong Kapuso star na si Carlo San Juan na gusto niyang ligawan si Bianca kung mabibigyan siya ng pagkakataon.

Natanong si Carlos sa Mars Pa More kung sinong Kapuso actress ang kanyang liligawan kapag nabigyan siya ng chance? Binanggit nga ni Carlo ang pangalan ni Bianca. “Para po sa akin, ‘yung naka-work ko lately na si Bianca Umali, kung mabibigyan ako ng chance. Kasi si Bianca po parang very reserved siya ‘yung parang hindi po siya makabasag pinggan.”

Nakasama ni Carlo si Bianca sa isang episode ng Daddy’s Gurl nang mag-guest si Bianca at pambubuko nga ni Prince Clemente na kasama ni Carlo sa Mars Pa More, isang oras inabangan ni Carlo ang aktres para yayaing mag-TikTok sila.

May message rin si Carlo kay Bianca, “Bianca, ako nga pala si Carlo. Sana mag-TikTok tayo and mag-ingat ka palagi. Mabuhay ka sana ng matagal at crush kita.”

vuukle comment

IZA CALZADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with