^

Pang Movies

Geneva, pikon nang pansinin ang singit!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Certified patola sa mga bashing on social media sina Chuckie Dreyfus at Geneva Cruz.

Sa naganap na Zoom mediacon para sa bagong GMA Afternoon Prime teleserye na Little Princess, inamin nila Chuckie at Geneva na hindi nila mapigilan ang kanilang sarili na hindi sagutin ang mga troll sa social media, lalo na kung mali ang mga information ng mga ito.

Masipag mag-post sa kanyang Facebook account si Chuckie kapag may nakikita siyang mali, sa showbiz man or sa politics.

Sey ng former child actor: “Inaamin ko naman na mapagpatol ako sa mga bashers. Hindi ko kasi magawang i-tolerate ‘yung mga tulad nila na minsan mali ang nakukuhang information, yung basta na lang sila mambaba-bash na hindi nila alam ‘yung issue. Tsaka it’s called social media, so you have the right to vent or rant whenever you feel like it. Ngayon medyo kalmado na tayo. Natuto na akong wag nang patulan ‘yung mga hindi importante.

Si Geneva naman ay papatol lang sa basher kapag inookray na ang kanyang pagiging isang babae. Ginawa pang example ng former Smokey Mountain member ang pag-bash ng trolls sa kanyang mga singit noong mag-post siya minsan sa Instagram na naka-bikini siya.

“I don’t call it patol. I call it educating them. If they come to my page and they talk about my singit or something and I’m on a beach and it’s a guy and they say ‘oh bakit ganyan.’ I’ll say, ‘Excuse me. I’m a mother of two. Dalawang bata na ang lumabas diyan. And look at my body. How about you focus on that,” diin pa ni Geneva.

Napipikon daw si Geneva noong una pero iba na raw ang approach niya ngayon: “The best way to actual­ly deal with them is to deal with them through love and kindness and also being yourself and educa­ting them.”

Gaganap pala si Geneva na kontrabida sa bida ng Little Princess na si Jo Berry at sa gumaganap na ina nitong si Angelika dela Cruz.

Bianca, nangakong kukuha ng diploma

Pinangako ni Bianca Umali sa kanyang sarili na ipagpapatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa taong ito.

Nakatapos naman ng senior high school ang 21-year old Kapuso leading lady noong March 2019 sa Veritas Catholic School sa Paranaque City. Kaya qualified siyang kumuha ng anumang college course online.

“Magpapatuloy ako ng college and I will pursue a degree. Wala pang sure na school at wala pa rin certain course, pero itutuloy ko po ‘yun dahil promise ko yun sa sarili ko.

“Marami kasi akong gustong kunin na kurso. Kung anuman yung mapili ko, pagpupursigehan kong matapos iyon para makakuha ako ng college degree.”

Gusto pa naman daw sana ni Bianca na maka-attend ng face-to-face classes. Na-miss daw niya kasi ang makipag-interact sa mga kapwa niyang estudyante. Pero dahil sa nangyayari pa ngayon, hanggang online classes na raw muna siya.

“Actually, na-miss ko ‘yung naka-uniform ako tapos papasok ka sa classroom. Yung pakikipag-interact mo with your fellow students ang nakaka-miss, eh. But because of COVID-19, mas mabuti na yung online classes muna tayo. What’s important is we all get a proper education para may masandalan tayo in the future.”

Kaka-release lang 46-second teaser video titled This is me, Simply B sa YouTube channel ni Bianca na may 42.4K subscribers na.

Sey ni Bianca sa naturang video: “I am ready to re-introduce myself. This is me, simply B.”

Grammy Awards, postponed!

Postponed ang awards night ng Grammy Awards sa January 31 dahil sa pagtaas ng mga COVID-19 cases sa Amerika dulot ng Omicron variant.

Gaganapin sana sa Los Angeles’ Staples Center ang 2022 Grammy Awards na may red carpet at dadaluhan ng malalaking pangalan sa music industry tulad nila Justin Bieber, Billie Eilish at Olivia Rodrigo.

Pero mas naisip ng organizers na maging ligtas ang lahat kaya postponed muna ang Grammys.

“Holding the show on January 31 simply contains too many risks. The health and safety of those in our music community, the live audience, and the hundreds of people who work tirelessly to produce our show remains our top priority,” ayon sa statement ng Recording Academy na ia-announce ang rescheduled date very soon.

Last year, naging simple lang ang presentation ng Grammys. Ginanap ito sa isang outdoors venue at imbitado lang ay ang nominees na naka-face mask throughout the show.

vuukle comment

GENEVA CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with