^

Pang Movies

Cherry Pie, pinusuan ang engagement ng anak na babae ni Edu

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Nag-comment ng three heart emojis si Cherry Pie Picache sa ibinalita ni Edu Manzano na engaged na ang anak niyang babae na si Addie na based in New York. Very happy father si Edu sa kanyang post gamit ang old photo nila ng anak na si Addie na ibinalita ngang engaged na ito. “Thus little lady just got engaged to a great guy. Didn’t dawn on me that Addie is now all of 28. Am very happy I went to NY last October to see how much they loved each other. Welcome to the MANZANO family Mr. Jared Glassman. I wish you both all the love in the world.”

Sumagot ang future son-in-law ni Edu at sabi, “Thank you Tito!!! I could not wait any longer to make it official forever.”

Kris, ‘di na mangangampanya

Natanong namin kahapon kung makakasama pa ba si Kris Aquino sa kampanya ni VP Leni Robredo na pinag-usapan nila ng ex-fiance niyang si Mel Sar­miento. Sa post ni Kris sa Instagram, sinagot nito ang aming tanong. Part ng post ni Kris ang “I will soon fly abroad for further diagnostic tests and if needed, do all the treatments and procedures to help address my drastic weight.”

So, hindi na nga siya makakasama sa campaign sortie ni VP Leni na ang nabanggit pa nga ni Kris ay sa different parts of the country sila sasamang ma­ngampanya ni Mel.

Tama naman ang desisyon ni Kris na umalis ng bansa at doon magpagamot at wish nating lahat na sa pagbabalik niya, maayos na ang estado ng health niya at maayos na rin ang lagay ng kanyang puso.

Para sa netizens, ang “Bubble fatigue” ang worst excuse na narinig nila na rason ng pakikipaghiwalay. Ang bilis daw nakalimutan ni Mel ang pangako kay Kris na aalagaan niya si Kris forever.

Beauty, natupad ang wish kay Dingdong

Nagkatotoo ang wish ni Beauty Gonzalez nang pumirma sa GMA Network na makatrabaho si Dingdong Dantes dahil siya ang gaganap na asawa ni Dingdong sa karakter nitong si Nate sa mini-series na I Can See You: AlterNate. May wish din si Beauty na magkaroon ng Book 2 ang AlterNate at ito ang aabangan natin kung magkakatoo.

Sa Monday, Jan. 10,  world premiere na ng AlterNate, second project ni Beauty sa GMA na kanyang ipinagpapasalamat.

Ikinatuwa ni Beauty na pinuri siya ni director Dominic Zapata at Dingdong. Ayon kay direk Dom, masarap panoorin sina Beauty at Dingdong. “They are both professional, kaya nila ang batuhan online sa Zoom, kaya madali na sa actual take. After the lock-in taping, nabitin ako.”

Ayon naman kay Dingdong, “literally, it was a beautiful experience working with her. I respect her artistry, she’s a brilliant actress. She talks about art at nakita ko ang combination ng craft at professionalism.”

Nagpasalamat si Beauty sa good words ng kanilang director at ng kanyang leading man. “Thank you Dingdong  for the wonderful words. I’m so lucky I got to work with two Dingdong here. He’s very easy to work with and very professional. I’m also very excited the people will finally watch this. Kakaiba ito, may drama, romance, action, and suspense. What more can you ask for.”

Thirty days nasa lock-in taping ang cast ng AlterNate, kaya hindi nakadalo si Beauty sa wedding nina Derek Ramsay at Ellen Adarna. Babawi na lang daw siya sa kanyang kaibigan na ang reklamo ay lagi siyang nasa lock-in.

Elisse, kinainggitan sa ‘kili-kili kiss’ ni Mccoy

Ang daming nainggit kay Elisse Joson dahil sa lumabas na photo na hinahalikan ng boyfriend niyang si McCoy de Leon ang kanyang kili-kili. Ipinakita lang daw ni McCoy kung gaano niya kamahal si Elisse na nanay ng kanilang anak.

Pero, meron ding hindi natuwa at kinilig dahil dapat daw ay private lang ‘yun at kung may larawan man sila, hindi na lang pinost. Tama naman ang netizens na sa socmed account ni Elisse na post ang photos na kini-kiss ni McCoy ang kili-kili niya at walang magagawa ang mga nagrereklmo.

It turned out na marami ang gumagawa noon, kaya marami ang naka-relate. Sila nga raw, hindi kasing ganda ni Elisse at hindi kasing kinis ng aktres ang kili-kili nila, pero hinahalikan pa rin ng kanilang mga mister.

vuukle comment

CHERRY PIE PICACHE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with