^

Pang Movies

Anjo, hinahamon sina Jomari at Abby ng lie detector test dahil sa campaign funds!

Gorgy Rula - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nung makapanayam namin si Anjo Yllana tungkol sa rebelasyon niyang ninakaw diumano ang campaign fund niya sa kanyang kandidatura bilang Congressman ng 4th district ng Camarines Sur, ayaw niyang banggitin ang pangalan ng taong pinagkakatiwalaan niya.

‘Yun daw talaga ang dahilan kung bakit umatras na siya sa pagtakbo sa darating na eleksyon.

Hindi na namin pinilit si Anjo kung sino itong pinagbibintangan niyang diumano’y kumuha raw ng perang gagamitin sa kanyang pag-iikot sa kanyang distrito.

Pero nitong unang araw ng 2022, inilahad na ng actor/TV host na ang tinutukoy niya ay ang mismong kapatid niyang si Jomari Yllana at ang kasintahang si Abby Viduya.

Bahagi ng mahaba niyang litanya sa kanyang Facebook account;

“I decided to talk to a lawyer and to file a case against Jose Maria Yllana and Abby Viduya who mislead me and stole my campaign funds,” bahagi ng mahabang post ng dating komedyante.

Ikinuwento ni Anjo ang buong pangyayari na kung saan hindi raw nakakarating sa kanya ang buong pondo na gagamitin niya sa pag-iikot sa district 4 ng CamSur.

Hindi na raw niya kinakausap sina Jomari at Abby dahil itinatanggi naman daw nila ang akusasyon. Kaya hinahamon niyang sabay silang magpa-lie detector test sa Camp Crame para malaman lang kung sino ang nagsasabi ng totoo.

Pati raw kasi ang Mommy niya at dalawang kapatid ay napapaniwala ng kuwento nila Jomari.

Inilahad din ni Anjo sa FB post niyang iyon na meron pa raw ipinangako sila Jomari na malaking halagang filing bonus. Pero hindi naman daw nakarating sa kanya.

Hindi na raw niya hinahabol ang pangakong ‘yun, total umatras na siya ng kanyang kandidatura.

Nung na-check ko uli itong FB post ni Anjo, tinanggal na niya ito.

Ang huli niyang post; “Tired of ranting here. I’ll just see you when I see you.”

Bukas ang pahinang ito sa panig nina Jomari at Abby.

Sana magkaayos sila na solid pa naman ang pamilya nila.

Sinubukan naming kunin ang pahayag ni Jomari, pero habang tinatapos namin ito ay wala pa siyang replay.

Ate Guy, sunud-sunod na dinalaw ng mga anak

Pagkatapos dumalaw ni Ian de Leon kasama ang buong pamilya sa mommy niyang si Nora Aunor, sumunod namang dumalaw si Matet de Leon kasama rin ang asawa’t mga anak.

Nung new year daw mismo dumating si Matet na ikinatuwa naman ng original superstar.

Kahit ‘yung isa pang anak ni Ate Guy na si Kenneth ay nakadalaw na rin daw.

Hindi lang alam ng kampo ni Ate Guy kung kailan dadalaw si Kiko, pero wala naman daw silang isyu sa kanilang mommy.

Ang hinihintay na lang daw nila ay si Lotlot de Leon na noon pa ay iniiwasan nang sagutin kapag natatanong tungkol sa kanyang mommy.

‘Yun naman daw ang hangad nilang lahat na makumpleto na ang mga anak ni Ate Guy at kalimutan na ang mga tampuhan.

vuukle comment

ANJO YLLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with