^

Pang Movies

Regal, hahataw na rin sa TV

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Regal, hahataw na rin sa TV

Bagong taon, bagong pakikibaka sa buhay sa gitna ng pandemya at bagong pag-asa!

Hirap man ang halos lahat sa buhay dala ng pandemyang hatid ng COVID-19 at ang pumapasok sa Omicron variant, tuloy pa rin ang laban ng buhay basta patuloy rin tayong mag-iingat.

Ang ipinagdarasal ng karamihan na nasa showbiz ay ang pagbabalik-sigla ng pelikulang Pinoy. Salamat sa mga movie producer na patuloy na sumusugal sa paggawa ng movies kahit walang kasiguraduhan kung babalik ang puhunan nila.

Ang Regal nga, may mga natapos nang movies pero waiting lang ng tamang panahon upang ipalabas ito.

Mabuti na lang at naging fallback ng mag-inang Lily at Roselle Monteverde ang partnership with GMA Studios. Nakapagbigay sila ng trabaho sa movie workers na nawalan ng trabaho.

Tuluy-tuloy ang Regal sa kanilang Regal Studio Presents na napapanood tuwing Sunday after Dear Uge sa GMA.

Sa Lunes, Jan. 3, mapapanood na ang TV adaptation ng iconic movie franchise na Mano Po, sa Mano Po Legacy: Family Fortune.

Bakbakan sa aktingan sa series sina Maricel Laxa-Pangilinan, Sunshine Cruz at Barbie Forteza. Palaban lahat silang tatlo base sa TV plugs ng series na mapapanood sa GMA Telebabad!

Kabilib-bilib ang pagbabalik muli sa telebisyon ng Regal Entertainment na minsan nang pinasok ang medium at nagtagumpay sa ginawang TV shows!

Here’s hoping na madagdagan pa ang Regal show sa Kapuso Network dahil nakakatulong na may bagong putahe pang napapanood sa TV, huh!

Happy New Year to everyone!

vuukle comment

REGAL FILMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with