^

Pang Movies

Christian feeling weak, muntik nang lumayas ng Pilipinas

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Christian feeling weak, muntik nang lumayas ng Pilipinas
Christian.

Plano na pala ng Metro Manila Film Festival 2021 Best Actor na si Christian Bables na pumunta na lang ng Amerika and start a new life. Ito ang inamin ng aktor sa isang mahabang Instagram post a day after winning the award para sa pelikulang Big Night.

“Kagabi, habang nag hihintay mag simula ang MMFF Gabi Ng Parangal, kinausap ko sila direk Jun and direk Perci.

“I told them i was feeling weak. Humihina ang kapit ko sa noong siguradong rason at purpose kung bakit ko gustong umarte or maybe, somewhere along this chaotic times, the joy of giving life to a character has become unfamiliar.

“I was planning to move to the US. Create a new life or maybe continue to pursue my passion in acting. Dala siguro ng anxieties dahil sa pandemya. But God moves in mysterious ways  The day i was deciding to book a one way flight to the US, nag message si direk perci pasok daw ang Big Night sa MMFF. Ipagpaliban ko daw muna ang pag alis ko, na ang akala ng lahat ng pinagpaalaman ko ay bakasyon lang,” pahayag ni Christian.

Ang pelikulang Big Night ang siyang nagpabago ng desisyon ng aktor.

“When i finally saw our film, i was reminded of my purpose. I was reminded of how fulfilling it is to give life to Dharna. The joy of being the character. And the triumph my heart and soul feels whenever i give voice to the likes of Barbs, Intoy, Samuel, Chef Calix, Iron, etc,” saad niya.

Ayon sa aktor, naging klaro sa kanya ang lahat at ipagpapatuloy niya ang nasimulan dito sa ating bansa.

“Hindi ko alam kung ano ang plan ni God, pero isa lang ang naging klaro sa akin. Gusto kong patuloy na makapaghatid ng mga mensaheng makakabuluhan through my art. Dito sana sa bansa natin, para sa bansa natin, kung patuloy mabibigyan ng pagkakataon,” aniya.

“Again, i want to thank everyone involved in this year’s Metro Manila Film Festival (MMFF) Official. To the Board of Jurors, and to the Executive Committee, thank you for recognizing the love i have for the craft. Maraming salamat po sa parangal.

“Kasabay ng pag bubunyi, ay ang pakikiusap na sana po ay patuloy niyong suportahan ang aming pelikula, ang Big Night!, at ang iba pang mga pelikulang kasali sa MMFF.

“For all the Dharna, Intoy, at Barbs out there, this is for you. Maraming salamat po. Mabuhay ang Pelikulang Pilipino!” ang pagtatapos ni Christian.

Artist center, may pinaghahandaan

May malaking pasabog ang GMA 7 ngayong Dec. 31 sa GMA New Year Countdown. Kaya naman kaabang-abang kung ano ito na so far ay walang nakakaalam.

Naka-shutdown kasi ngayon ang social media accounts ng Artist Center. Ang tanong nga ng lahat, na-hack kaya ito or talagang may something na mangyayari.

May malaking billboard na naka-up ngayon sa harap ng GMA 7. Ang nakasaad dito ay “Leve a little SPARKLE wherever you go.” Sa ibaba nito ay mababasa ang “GMA Artist Center 2022.”

Obviously ay may kinalaman ang nasabing billboard sa malaking launching na magaganap. 

 

vuukle comment

CHRISTIAN BABLES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with