^

Pang Movies

Edu at Cherry Pie, nagbigay ng pag-asa sa mga naghihintay sa ‘The One’

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Edu at Cherry Pie, nagbigay ng pag-asa sa mga naghihintay sa �The One�

Ang gandang tingnan nina Edu Manzano at Cherry Pie Picache ‘pag nagse-sweet moments. Talagang kilig-kiligan dahil para bang ang saya naman talaga na sa edad nila heto at para silang isang love team.

Sinusundan na ng lahat ang kanilang love story, at talagang gustong makita na magkaroon ng isang big wedding. Bongga ha. Talagang walang edad ang love, at isang inspiration na makita mo na in love ang mga tulad nina Edu at Cherry Pie.

Para bang nagbibigay ng hope sa marami na maghintay lang dahil at the end of a long journey puwede mong makita ang ‘the one’ para sa iyo.

Ma-imagine mo ba na ang tagal ng nasa isang circle sina Edu at Cherry Pie ngayon lang sila nagseryoso sa isa’t isa.

Kaya nga, huwag mawalan ng pag-asa, makikita mo rin ang ligaya na para sa iyo, wait wait lang.

‘Mag-ingat sa binibigyan ng importansiya…’

Naalala ko na naman ang difference ng important sa precious dahil magtatapos na ang taon. Iyon bang pag-summarize mo ng mga nangyari sa isang taon, maaalala mo na merong nawala, meron ding nadagdag sa buhay mo.

Meron nawalang importante, pero napalitan din, pero may nawala na ang hirap palitan dahil very precious sa puso mo, kaya kahit meron nang iba, remember mo pa rin ang memory niya. Iyon ang difference ng important at precious. Wala talagang ganun kaimportante sa buhay na hindi puwedeng palitan, kaya nga sabi, nothing is too important para hindi ka makakita ng replacement.

Pero ‘yung precious, lifetime iyon, nandiyan, kahit wala na. Parang isang namatay na tao na mahal mo, na kahit wala na, lagi pa ring nasa alaala, iyon ang precious, nakaukit na. Never lose something precious dahil mabigat at dadalhin mo, for life ang regret.

Samantalang ang mga importante lang, madali mong mapapalitan, hindi mo dadalhin sa balikat nang matagal. There is no limit to pain, puwede ‘yung sakit dala-dala mo forever. ‘Yung life natin hindi masusukat sa na-acquire natin, kundi sa kung ano ang naiwan natin.

So ingatan natin na ‘yung binibigyan natin ng importansiya ay hindi naman pala karapat-dapat. Live life as we go on. Happily.

vuukle comment

CHERRY PIE PICACHE

EDU MANZANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with