^

Pang Movies

Jona, Zephanie, Angela Ken, Trisha Denise at iba pa, naghahatid ng pag-asa ngayong pasko

Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagsanib-puwersa ang mga singer na sina Jona, Zephanie, Angela Ken, Trisha Denise, Tim Pavino, Charmaine and Dennis Campañer, Neo Rivera, Nolo Lopez, Jex De Castro, Joselle Feliciano, Tricia Amper-Jimenez, at Alexa Kaufman sa kantang Dahilan Ng Maligayang Pasko, na tungkol sa pag-asa at saya na hatid ng pagdiriwang ng Pasko sa kabila ng maraming pagsubok.

Handog ng Star Music ng ABS-CBN at Reverb Worship ng CBN Asia, layunin nito na ipaalala sa mga tao na kahit may lungkot pa rin sa pagsalubong ng Kapaskuhan dahil sa pandemya, magiging makahulugan pa rin ito kung itutuon ang atensyon sa totoong rason ng selebrasyon na si Hesus.

Napukaw naman ang mga puso ng mga netizen sa YouTube na napakinggan na ang Dahilan Ng Maligayang Pasko na isinulat at ipinrodyus ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo at inareglo ni Tommy Katigbak.

Nitong 2021, nagsanib-pwersa rin ang Star Music at Reverb Worship para sa kantang Kumapit na inawit ni Yeng Constantino, tungkol sa paniniwala sa Diyos sa harap ng mga problema.

vuukle comment

PASKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with