^

Pang Movies

Mayor Richard at Congw. Lucy, sabay nag-military training

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Mayor Richard at Congw. Lucy, sabay nag-military training

Nakakatuwa naman ang mag-asawang sina Ormoc City Mayor Richard Gomez at Congw. Lucy Torres-Gomez dahil sabay na sumailalim sa basic Citizen Military Training. The training was conducted by the Philippine Army sa pamamagitan ng Army Reserve Command.

Kasama sina Richard at Lucy sa 133 na nag-training at nakumpleto ang BCMT at ang sabi, ang “‘Army Reservist’ is a part-time soldier and a full-time hero, He can serve the country as a soldier while at the same time working as a civilian.”

Ang gandang tingnan nina Richard at Lucy na naka-military uniform, may hawak na barill at nasa taas ng military tank. May larawan pa si Lucy na nakadapa sa ground at may hawak na baril. Pinakamagandang litrato nila ay ‘yung hawak na nila ang certificate na nagpapatunay na natapos nila ang training.

Marian, nadagdagan ng followers!

Nadagdagan na naman ang Facebook followers ni Marian Rivera dahil ‘yung nabalitang 25 million last month, ngayon ay 26 million followers na siya sa FB. Siguradong mabilis itong madadagdagan ngayong isa sa selection committee member ng 2021 Miss Universe si Marian.

Samantala, naka-post na ang photos ng members ng selection committee ng 2021 Miss Universe na nabago ang listahan. Sa inilabas na mga pangalan, sina Marian at Iris Mittenaere na lang ang nasa original list and from seven, nine members na ang selection committe kasama ang sikat na Brazilian model na si Adriana Lima.

Kasama rin ang Indian actress na si Urvashi Rautela, ang model na si Lori Harvey, ang Puerto Rican actress na si Adamari Lopez, ang American actress na si Rena Sofer, si Miss Universe 2019 at TV presenter Cheslie Kryst at ang Israeli lawyer, writer at Miss Universe 1976 na si Rina Mor.

Nag-comment ang jurors sa post ng Miss Universe at ang daming not so good comments. In fairness, ‘yung comment ni Marian na heart emoji, may 3,870 likes at 228 replies at good vibes ang comment. Walang nagsabing hindi siya dapat nag-participate sa event na gagawin sa isang oppressive country na wala namang kinalaman ang jurors.

Samantala, may pinost si Steven Doloso, ang kasamang make-up artist ni Marian ng larawan ni Marian na unmade up ang face, ang ganda-ganda ng aktres kaya may mga nag-comment na naman na iuwi niya ang korona na para bang siya ang kandidata ng bansa sa 2021 Miss Universe.

Voltes V, puspusan ang taping

Ang laki ng cast ng Voltes V: Legacy dahil bukod sa main cast, may big stars guest din kabilang si Dennis Trillo. Hindi lang ‘yun, mabibigyan din ng exposure ang new contract stars ng GMA Artist Center dahil ilan sa kanila ay kasama sa cast.

Nabanggit na kasama sa live-action adaptation series sina Jamir Zabarte, Kimson Tan, Migs Villasis, Dave Duque, at Joaquin Manansala. Kasama rin sina Angela Alarcon, Sophia Senoron, Julia Pascual, Elle Villanueva, at Crystal Paras ang aabangan.

vuukle comment

LUCY TORRES-GOMEZ

RICHARD GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with