^

Pang Movies

Herbert at Robin, tinanggal sa army!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Herbert at Robin, tinanggal sa army!           

Kasabay ng announcement na itinalagang commanding general ng Philipine Army si Major General Romeo Brawner Jr., mayroon din silang announcement tungkol sa pitong opisyal ng reservists ng Philippine Army na inalis sa kanilang tungkulin dahil sa pakikilahok sa eleksiyon. Dahil isinasaad nga sa batas na ang mga kagawad ng Sandatahang Lakas ay hindi dapat makihalo sa partisan politics at talagang inaalis  sa katungkulan ang sino man sa kanila na kumandidato.

Kabilang sa pitong opisyal ay ang mga artistang sina Herbert Bautista at Robin Padilla na kapwa kandidato sa darating na pambansang eleksiyon.

Si Herbert ay may ranggong Brigadier General sa reservist force ng Army, at kinikilalang commander ng 1502nd. RRIBde sa National Capital Region. Ang sangay na iyan ng Army ang isa sa nangangasiwa sa emergency response, kaya kung noong nagsimula ang pandemya ay nakikita ninyo si Bistek na nag-iikot, may kasamang mga naka-uni­pormeng sundalo at maging siya ay naka-uniporme rin, iyan ang dahilan.

Si Robin Padilla naman ay may ranggong Captain. Siya ang itinalaga para mamuno sa Strategic Communication Committee ng Army reservist group. Kaya kung minsan ay nakikita rin ninyo siyang nakasuot ng uniporme ng army, hindi iyon costume sa ginagawa niyang pelikula. Siya ay itinalaga rin sa reservist force.

Iyang mga nasa reservist force ay sumailalim din sa mga pagsasanay na karaniwang ginagawa ng Philippine Army, at kung magkakaroon ng digmaan, o anumang malalang emergency, sila ay inilalagay sa active duty ng Philippine Army. Pero dahil nga sa pagkandidato nila ay inalis sila sa mga katungkulang iyon.

Nakakahinayang, sabi nga ng marami. Dahil ang pagiging reservist ay isang natatanging paglilingkod sa bayan. Kung napansin nga ninyo sa Korea, ang lahat halos ng mga lalaki kabilang ang mga artista ay sumasailalim sa dalawang taong training para sa paglilingkod sa sandatahang lakas. Dito sa atin ay walang batas na nagtatakda noon pero may mga taong kusang sumasailalim nga sa training para maglingkod sa sandatahang lakas.

Depende rin sa estado, at katungkulan sa gobyerno, kaya sila nabibigyan ng ganoong ranggo. Si Herbert na matagal na nanungkulan bilang mayor ay binigyan nga ng hono­rary title na Brigadier General, at kapitan naman si Robin.

Mga baguhang artista na rumaraket sa prostitusyon, ginagamit ang mga network

Minsan nga, masasabi mo rin naman unfair sa network, dahil kadalasan may mga baguhang siguro nga nakapag-extra sa mga serye nila, at pagkatapos ay ilalagay na sa kanilang profiles sa social media na sila ay talent ng network na iyon. Sa unang tingin ay wala nga sigurong masama pero kung ang mga iyon ay suma-sideline na ng iba, kung pumapasok na sa prostitusyon, nakakasira iyon sa networks.

Sa ngayon hindi lamang mga babae, mas maraming mga lalaking pumapasok sa prostitusyon. Nagbebenta ng sex videos, at nakalagay sa kanilang profile na sila ay talents sa malalaking network.

vuukle comment

HERBERT BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with