^

Pang Movies

Bashers nakatulong!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Bashers nakatulong!

Nakakaloka ang bashers ni Marian Rivera, nagrereklamo na sobrang hina-hype ang pagiging isa sa mga hurado ng Kapuso Primetime Queeen sa 2021 Miss Universe. Naaagawan daw nito ng ningning si Beatrice Luigi Gomez, ang representative ng bansa sa Miss Universe dahil mas pinag-usapan si Marian.

Sino ba kasi ang nag-hype kay Marian kundi silang mga basher? Pati ang hindi pagiging Inglesera ni Marian, ginawang isyu na parang sila ang hurado. Dahil sa isyung ito, pati school ni Marian na Dela Salle Cavite, nadamay. Pati ang pagiging second language ng English sa bansa, naging isyu.

Habang nanggagalaiti ang mga basher at bitter, ayun si Marian, lumipad na kagabi papuntang Eliat, Israel at magsisimula agad ang activity niya bilang isa sa seven members ng selection committee. Pagbalik niya, marami siyang kuwento sa Miss Universe at Eliat, Israel experience.

Ang bashers, tiyak hanggang pagbalik ni Marian, English pa rin ang isyu. Pero, wag ka, kabilang sila sa mga tututok sa Miss Universe lalo na sa coronation night dahil titingnan at iki-critic ang suot na gown, make-up, hairstyle at pagsasalita ng Kapuso actress.

Pati interaction sa kapwa jurors na kinabibilangan nina Miss Universe 2016 Iris Mittenaere, Coco Rocha, Tali Eshkoli, Lyrica Okano, Daniel Rubino at ang Fil-Am makeup vlogger na si Patrick Starrr.

Na-Google namin, model pala si Coco Rocha, Israeli TV producer si Tali Eshkolo, American actress si Lyrica Okano at executive journalist si Daniel Rubno. Si Patrick Starrr ay make-up guru, digital influencer at entrepreneur.

And speaking of Marian, pinost nito sa IG stories niya ang photos niya suot ang gowns ng different designer kabilang ang design ni Francis Libiran. Gown din ni Francis ang isusuot niya sa coronation night.

Barbie, kasama sa Mano Po

Nagsimula na ang taping ng Mano Po: The TV Series na collaboration ng GMA Network Inc., at Regal Entertainment. Tama ang tsika na kasama si Barbie Forteza sa cast at siya pa lang ang nakunan ng larawan na nagti-taping.

Hindi pa inannounce ang complete cast ng series na sigurado, marami ang may dugong Chinese.

Si Barbie, maputi at makinis at aakalaing Chinese, kaya swak siya sa project na ito.

Bea, pinusuan sa pakudkod ng niyog

Kinagiliwan ng netizens ang short convo nina Bea Alonzo at Marian Rivera sa Instagram ni Bea. May video si Bea na gumagawa ng video at mula sa pagkudkod ng niyog, kanyang ginawa. Ipinakita ni Bea ang finished product ng biko na sa picture pa lang, masarap na.

Nagtanong si Bea kung may bibili kapag nagtinda siya ng biko? Sagot ni Marian, “bibili ako” na sinagot ni Bea ng “Hey!!! Congrats on being chosen as a judge on Ms. U!! Proud of you!!!  Sumagot uli si Marian ng “salamat bea. See you soon!” na ikinatuwa ng mga nakabasa.

Sumunod nito ang request ng netizens na movie o series para kina Bea at Marian at wala nga namang problema rito dahil pareho silang Kapuso. Nagpahayag na rin ang dalawa na willing silang makatrabaho ang bawat isa at nabanggit nga ni Bea na may story na siyang naiisip para sa kanila.

Ang tanong, kailan kaya matutupad ang collaboration nila?

Iyong isang fan nga, kahit sa TikTok na lang mag-collab ang dalawa masaya na raw siya.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with