^

Pang Movies

Arci abala sa pagiging Army, ‘di pa umaawra sa kampanya!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Arci abala sa pagiging Army, �di pa umaawra sa kampanya!

Abala si Arci Muñoz sa pagiging Army.

Sa kanyang post, ipinagmamalaki niyang mas malapit na sa stage ang puwesto niya sa concert ng iniidolong BTS.

“Slowly getting closer and closer to them!!! Didn’t even need to zoom!!! Universe bigay mo na to sakin!! Plsss!!!!!!! #bts #army.”

Umaapaw ang fans sa US concert tour ng BTS sa Los Angeles at kasama nga si Arci na sumadya para manood ng nasabing concert.

Isa pang post niya : “Happy birthday to our #worlwidehandsome #kimseokjin glad I was able to be part of yer special day!! Here are some snaps from ze past 4 days with our birthday boy! #iheartradiojingleball #bts.”

Nag-file diumano ng certificate of candidacy si Arci sa Antipolo bilang councilor sa election 2022 pero walang update kung tutuloy ba siya.

Shido, ayaw nang maging ‘lunok king’

Busy ngayong Holiday Season ang sexy actor na si Shido Roxas. Dalawang pelikula ang pino-promote niya. Caught in the Act and Nelia.

Ang Caught in the Act ay mapapanood beginning Dec.15 (streaming platforms) at official entry naman sa gaganaping Metro Manila Film Festival 2021 (MMFF) ang Nelia.

Pero wala siyang reklamo.

In fact, thrilled siya na sa kabila ng pandemya, abala siya sa trabaho. “It’s busy but I am not complaining. I’m just thankful,” aniya nang makausap namin last weekend.

Bukod pa ito sa business niyang The Swab Doctor na ayon sa actor ay ‘Fastest COVID-19 home service tests, RT-PCR, Antigen, & Antibody tests and DOH & FDA Accredited Lab Partner.’

Maraming event ngayon ang kailangang dumaan muna sa swab testing ang mga dumadalo kaya naman nagpapasalamat din siya na malakas ang kanilang pinasok na negosyo.

Sila ngayon ang madalas mag-service sa mga taping na must ang swabbing.

Malaki rin ang investment nila rito pero maganda ang galaw nito kaya naman nagpapasalamat din ang aktor.

Lalo ngayong may bagong variant na naman, ang omicron, kaya importante ang swab.

Anyway, hindi first time ni Shido sa MMFF.

Nauna na siyang napasali sa award winning movie na Rainbow’s Sunset.

Siya ang batang Eddie Garcia sa naturang pelikula kaya naman grabe ang naging kissing scene nila ng aktor din na si Ross Pesigan na siyang gumanap na batang Tony Mabesa.

Bukod dito, nagkaroon din siya ng ‘lunok’ label matapos siyang maging guest sa Wish Ka Lang bilang lover ni Christopher de Leon na natsugi. Pero nang matigok siya sa eksena, napalunok siya na pinagpiyestahan ng viewers and netizens. Kaya na-label siyang Lunok King.

vuukle comment

ARCI MUñOZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with