^

Pang Movies

Kumpirmado, Marian uupong hurado sa Miss Universe

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Kumpirmado, Marian uupong hurado sa Miss Universe

Mababasa ang comment ni Dingdong Dantes na “Miss u...” sa post ni Marian Rivera confirming na isa siya sa judge sa 2021 Miss Universe. Sa comment ni Dingdong, puwedeng sabihing nami-miss niya si Marian at puwede ring Miss Universe ang gustong tukuyin.

Nabasa namin na may inilabas na press statement, in-announce ni Miss Universe Organization President Paula Shugart, anim na judges pa ang makakasama ni Marian sa 2021 Miss Universe na gagawin sa Eliat, Israel. Miss Universe will air sa Fox Channel at hosts sina Steve Harvey at Ashley Graham and will be telecast live on Dec. 13.

May nabasa kaming comment na sana samahan ni Dingdong si Marian sa Israel, kaya lang, sa paglipad ni Marian for Israel at sa finals ng Miss Universe, hindi pa yata tapos ang lock-in taping ni Dingdong ng I Can See You: AlterNate, pero malay rin natin.

Ang ganda naman ng comment na parang nanalo na ang Pilipinas sa Miss Universe with Marian as one of the judges. Ang gandang basahin ng mga comment na lahat positive at masaya na judge si Marian sa Miss Universe. May nagbiro pa na paabutin ni Marian sa Top 5 ang kandidata ng Pilipinas na si Beatrice Luigi Gomez.

Ang ganda-ganda ni Marian sa official photo niya na ni-release ng Miss Universe Philippines at naka-tag na kuha ni Mark Nicdao ang photo, gawa ni Jo Rubio ang suot, si Steven Doloso ang make-up artist, hairstyle by Mark Familara at sina Melville Sy at Maita Baello ng Qurator Studio ang kanyang stylists. Sino kaya sa mga nabanggit ang makakasama ni Marian sa Israel para alagaan siya sa makeup, wardrobe, hairstyle at kung anu-ano pa.

Hiwalay na sa Japan-based GF… Paul at Mikee, mag-on na?!

Siguro naman break na sina Paul Salas at Taki Saito na based na sa Japan dahil nanligaw na sa iba at girlfriend na yata ni Paul ang kapwa Kapuso star na si Mikee Quintos. Laging magkasama sina Paul at Mikee at pati dinadalaw ni Paul si Mikee sa bahay nito at welcome siya sa family ng actress.

Ang daming photos ni Paul with Mikee’s family at hindi nakakagulat kung kasama siya sa Batangas kung saan ise-celebrate ni Mikee ang birthday sa Dec. 18.

Siyempre, kung special ang tao sa’yo, gugustuhin mong kasama mo siya sa birthday mo. Kilala ng fans na supportive si Paul kay Mikee kahit noong magkasama sila sa The Lost Recipe at gugustuhin din nitong magkasama sila sa araw na ‘yun.

In fact, sa contract renewal ni Mikee sa GMA Artist Center, isa si Paul sa nag-congratulate sa kanya. Nang i-release ang single ni Mikee na Just Enough, isa sa mga naunang nag-congratulate sa kanya si Paul.

Samantala, gusto ni Mikee na mag-focus sa kanyang music at kung bibigyan ng new series ng GMA 7, gusto niya rom-com dahil enjoy siyang gawin. Sa ngayon, sila ni Sef Cadayona ang magkapareha sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento na magkakaroon ng Season 2.

Kasama na ang bagong dyowa… Nadine at James, muntik magkita sa mall

Nanghinayang ang fans nina Nadine Lustre at James Reid na hindi nagkita ang ex-couple sa IKEA kahapon. Parehong araw namili ang mag-ex, magkaibang oras nga lang, kaya hindi sila nagkita.

Kung nagkataong nagkita sina James at Nadine, makikilala na sana ni James ang rumoured boyfriend ngayon ni Nadine na si Christophe Bariou dahil kasama niya itong namili sa IKEA. Kasama rin pala ni Nadine ang kanyang pamilya sa pagsa-shopping na ikinatuwa ng fans nito dahil may effort daw ang BF ni Nadine to know more of her family.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with