^

Pang Movies

Bianca,’di takot mag-eksperimento

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Bianca,�di takot mag-eksperimento

Ang ganda-ganda ni Bianca Umali sa bago niyang shorter hairdo.

Iba ang sex appeal ng batang artista na ito, puwede siyang innocent looking, at sophisticated depende sa make-up niya.

Saka maganda ‘yung nag-e-experiment siya sa kanyang looks gaya ng ok sa kanya ang mag-iba-iba ng hairstyle. Hindi kagaya ng iba kung mahaba ngayon, hanggang ending ganun na lang ang hairdo, kaya hindi nababago ang mukha.

Si Bianca adapted sa kung ano ang uso kaya naman very ‘in’ ang kanyang look. Ang husay pang artista dahil kahit bata pa, kayang-kaya ang mature portrayal gaya ng sa Legal Wives ng GMA 7.

Siguradong malayo ang mararating ni Bianca dahil habang nagtatagal lalo pa siyang humuhusay.

Isang tunay na gem ng Artists Center, kaya tiyak na iingatan nilang mabuti ang career nito. Beauty and ac­ting ang panlaban niya, kaya sureball ang career.

TV viewers, bawas sa pandemya

Kahit siguro mga Koreanovela na feel na parang tinamad ngayon ang mga tao sa panonood sa TV o kahit anong outlet. Para bang dahil yata sa pandemic parang nawalan ng interest for a while ang mga tao sa panonood.

Pati TV viewers bumaba, at kahit pa nga sabihin mo na maganda ang mga palabas sa Netflix affected na rin ang dami ng mga manonood. Parang bagsak muna ang energy ng viewers, hindi muna hinarap ang make believe world ng showbiz, ang reality muna ng buhay ang parang pinagtuunan ng pansin.

Kaya nga hindi kataka-taka na medyo hindi ganun ka-active ang showbiz, kasi nga feel mo na parang matamlay ang market ngayon. Buti nga at meron pang ibang gumagawa ng mga bagong serye, meron pa ring mga mag-iisip na mag-produce. Gaya ng Yorme, ang gagawin Mano Po ng Regal.

Naku, Salve at Gorgy, dapat pray kayo na magbalik sigla ang showbiz, or else paano na ang future? Hah hah, isip isip na.

vuukle comment

BIANCA UMALI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with