^

Pang Movies

Mga vlogger na artista, bumaba na ang premium!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Mga vlogger na artista, bumaba na ang premium!

Ewan ko dahil hindi ko masakyan kung bakit humantong sa vlogging ang stars ngayon.

Kung totoo man na malaki ang kinikita nila sa paggawa ng vlogs, ok lang. Pero parang hindi ko ma-imagine na gagawin ito nina FPJ, Rudy Fernandez, Susan Roces o sinumang stars ng panahong malakas pa ang showbiz.

‘Yung showbiz writers ok dahil parang nagbibigay sila ng news thru vlogging, pero para sa isang artista na lahat ipakita sa vlogs ang mga ginagawa, at parang ito na lang ang career nila, parang cheap tingnan ‘di ba?

Parang pati kung minsan private moment nila, all-out nasa vlog nila. Hindi ka ba parang na-cheapan kung minsan na pati mga kiyeme sweet moments nila, kiyeme nasa vlogs?

Or parang semi-bold star na ipinapakita pati pagtulog o suot sa bedroom?

Nasaan na ang sinasabi nilang privacy? O iyon na lang kasi ang source of income dahil nga walang project, o para magkaroon ng project?

Malaki naman daw ang kinikita nila, ok lang, pero nawala naman ang premium nila as stars, dahil para na lang silang so cheap to reach, isang click nandiyan na. Ok kung ano ang usong gawin, baka naman kaya wala nang interest ang tao sa TV at movies, kasi nga nandiyan na silang lahat sa social media. Mas mura pa lalabas kesa panoorin sa sinehan.

Alden, pinipilahan

Parang lahat ng artistang babae hinihintay mapareha kay Alden Richards. Pati si Rabiya Mateo, ito rin pala ang isang wish, makagawa ng project with Alden. Waiting si Bea Alonzo. Eh hindi pa nga tapos ang The World Between Us nila ni Jasmine Curtis. Meron pa siyang ibang projects, kaya naman naku looking forward na si Alden sa bakasyon grande niya sa USA para makapagpahinga.

Sobrang suwerte talaga ni Alden kaya naman tuwang-tuwa si Mama Tenten niya sa mga nagaganap sa kanya. Alagang GMA 7 talaga ang ibinigay kay Alden, kaya hanggang ngayon nasa top of the line pa rin siya, at hindi rin nagbago ang pagmamahal niya sa GMA 7 nanatili siyang loyal dito.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with