^

Pang Movies

Buhay ni Isko, madidiskubre sa Yorme

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

May presscon si Mayor Isko Moreno para sa movie na Yorme. Bongga dahil timely ang magiging showing nito para mas makilala ng marami si Mayor Isko Moreno. Maganda raw ang pagkakagawa ng movie at talagang mahusay ang mga artistang kasali sa pelikula.

Sana nga ay makita ng lahat ang magandang aral sa naging buhay ni Mayor Isko. At sana nga makatulong ito sa kanyang pagtakbo sa eleksyon. Talagang mahigpit ang labanan, kaya naman bawat way para mas makilala ang kandidatong ginagawa.

Panay ang rampa sa Abroad...

Talagang inggit to the max ako, Salve, kina Jun Lalin at Bernard Cloma. Imagine mo na pandemic pero gala sila nang gala abroad ha.

Now na napakamahal ng airline ticket at biyahe, plus ‘yung hassle ng quarantine, bongga ang dalawang jetsetter.

Naisip ko na talagang para mag-enjoy ka, dapat nagtatagal ka sa isang lugar na puwede mo lang gawin kung wala kang responsibility sa iiwan mo dito sa Pilipinas. Kasi nga single at wala namang mga naiwan sina Jun at Bernard kaya puwede na rampa lang nang rampa. Lalo na si Bernard na usually sa mga hotel tumitira, imagine mo, hindi naho-homesick. Bongga.

Saka younger pa kasi sila kaya puwede pa ang hectic na sked sa biyahe, puwede pa ang lakad-lakad, masakit na sa legs ang walking at tamad na rin sa window shopping kaya hanggang Asia na lang ang mga biyahe ko. At sure ako ‘pag puwede na, Korea ang unang pupuntahan ko, mag-poster hunting na naman ako sa mga oppa ko, hah hah hah.

vuukle comment

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with