^

Pang Movies

Julia, dini-display na ang pagbi-beach nila ni Coco!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Julia, dini-display na ang pagbi-beach nila ni Coco!

Kinilig na naman ang mga CocoJuls fans sa ibinaging larawan ni Julia Montes sa kanyang Instagram page.

Nag-post si Julia kahapon ng umaga ng tig-isang solo picture nila ni Coco Martin na nasa tabing-dagat at bagama’t hindi sila magkasama sa frame, makikitang nasa iisang spot lang siya because of the background.

“Today is a great day to smile and be happy,” ang maikling caption ni Julia.

Pinaniniwalang kuha sa Ilocos ang larawan na lock-in location ng FPJ’s Ang Probinsiyano.

Kahit hindi magkasama sa larawan sina Coco at Julia, sapat na ito para pusuan ng fans and netizens at maging kapwa-celebrities. It’s very rare rin kasi na mag-post ang aktres ng larawan ng rumored boyfriend especially kung wala namang okasyon.

“Owemgee!!!!! Mahal na mahal ko kayong dalawa!!!!!!! Ibang level ng happiness ang binibigay nyo sa buhay ko!” sabi ng isang CocoJuls fans.

Sagot naman ng isa, “Koreeeek sis!!!! Ang saya-saya, as in parang tumatalon ang puso ko right now. Happy Thanksgiving to you & your family. May the Lord bless you!”

Hirit naman ng isang pang avid fan, “me too bawing bawi na yung paghihintay natin kay julia ng more than 2 years.”

Komento naman ng isang netizen, “Low-key relationship is the best always.”

Ken at Rita, excited sa MMFF

Needless to say, masayang-masaya sina Ken Chan at Rita Daniela na makasama bilang isa sa Magic 8 entries ng Metro Manila Film Festival 2021 ang pelikula nilang Huling Ulan sa Tag-Araw under Heaven’s Best.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakasama sina Rita and Ken sa MMFF kaya naman sobrang excited nila.

“Sabi ni Direk Louie ‘Halikayong dalawa, halikayong dalawa! May balita ako, nakapasok tayo sa MMFF!’ Nagtalunan kaming tatlo,” kwento ni Ken sa 24 Oras.

Sey naman ni Rita, “sobrang nagsisisigaw kami roon sa loob ng studio talaga ng GMA. Kasi siyempre ang sarap sa feeling at makita na nakikita namin ‘yung pangalan naming dalawa ni Ken, nandu’n sa malaking screen. Lalo pa nu’ng nakita namin ‘yung lineup, The Magic 8 na tinatawag nila.”

Siyempre, first time rin nilang makakasakay sa float sa gaganaping  fluvial Parade of Stars.

Kasagsagan na ng pandemic nang gawin nina Ken at Rita ang pelikula at noon pa man ay excited na talaga sila since first movie nila ito together.

vuukle comment

JULIA MONTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with