^

Pang Movies

Bea, nag-trending ang pagka-calendar girl

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Bea, nag-trending ang pagka-calendar girl

Nag-trending sa social media ang launching ni new Kapuso actress Bea Alonzo as the new Tanduay Calendar Girl 2022. Ayon sa interview kay Bea, hindi ito ang first time na nag-offer ang produkto na maging calendar girl siya pero hindi niya tinanggap dahil parang hindi pa the right time for her. Pero ngayon, ay tinanggap na niya ang offer as Tanduay’s First Ever Calendar Girl sa online event titled The Perfect Match. Natuwa si Bea na ang photographer niya ay si Mark Nicdao at ang glam team nito.

Matagal na nilang natapos ang location shoot na nag-lock in pa sila sa isang farm. (Ang farm kaya ni Bea sa Zambales ang location nila sa photoshoot?)  Early 2021 ay inihanda na raw nila ang shoot and for her part, dumaan na rin siya ng slimming process para mas mapaganda pa niya ang kanyang body.

Ayon kay Bea, hindi raw matatapos sa pagiging Calendar Girl 2022 ang contract niya sa kanila, may iba pa siyang projects na gagawin, like nai-shoot na rin niya ang TVC nito na mapapanood na anytime now.

Bitoy, hindi nahatak ang mga dating katrabaho

Nag-try pala sina Michael V. at ang team niya ng Bubble Gang para sa 25th anniversary ng gag-comedy show, na ma-imbita ang mga dating miyembro ng show pero nagkaroon daw ng ibang dahilan para hindi ito matuloy, kaya sabi ni Bitoy: “So, at this point, we just had to make do with what we have right now. We have to make the most of the situation.”

Nag-attempt daw silang maimbita si Ogie Alcasid na naging isa rin sa hosts ng show, pero nasa kabilang istasyon na nga ito: “there was an attempt, sinubukan naman namin, we did our best. But along the way, nagkaroon ng dahilan para hindi magawa ‘yung mga nai-envision namin.”

Isa rin sa reasons, hindi pa rin sila makapag-shoot na lahat sa studio, may mga work from home, dahil nag-iingat talaga sila, tulad ni Bitoy. Kaya simple celebration lamang ang gagawin nila ngayon. Promise nila na once makabalik na sila sa new normal, mas marami na silang bagong maihahain para sa kanilang mga vie­wers every Friday, 10:30 p.m. sa GMA 7.

John Lloyd, ginamit ang trabaho para sa anak

Main reason pala ni new Kapuso leading man John Lloyd Cruz kung bakit siya nagbalik-trabaho na at nagsimula nang mag-taping ng bagong sitcom niya sa GMA Network na Happy To Get Her ay para makatulong sa mga taong malapit sa puso niya. “Kung magsasama-sama kami muli, mas may tsansang magkaroon ng trabaho ang lahat.” 

Ang tinutukoy ni JLC ay ang mga dating kasama na nasa cast ngayon ng sitcom.

Ang sitcom daw nila ay based sa typical life of a male his age. “Ang kakaiba lamang dito, ‘yung structure ng family na kinabibilangan niya, may anak din siya. Makatutulong din sa akin ang role ko, kapag nami-miss ko ang anak ko in real life, si Elias, kapag nagtatrabaho ako.”

Sa ngayon, wala pang binabanggit kung sino ang leading lady ni JLC.

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with