^

Pang Movies

John Prats mas pinili si Coco kesa kay Vice!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
John Prats mas pinili si Coco kesa kay Vice!

May tampo nga ba si Vice Ganda kay John Prats kaya nag-unfollow na sila sa isa’t isa sa Instagram?

Ayon kasi sa balita ni Ogie Diaz sa kanyang vlog with Mama Loi, may nagtsika raw sa kanya tungkol sa bagay na ito.

“May nagsabi naman sa akin, parang nagtatampo si Vice Ganda kay John Prats dahil all along, they thought, si John Prats na ang magdidirek ng It’s Showtime, eh napunta siya sa Ang Probinsyano,” pagbabalita ni Ogie.

Hirit naman ni Mama Loi, “so, parang pinili ni John Prats ‘yung Ang Probinsyano over It’s Showtime?”

Sagot naman ni Ogie, “oo, ganu’n. Kaya unfollow.”

Pero aniya ay aalamin daw nila ang tsikang ito kina Vice Ganda at John mismo dahil wala raw silang idea tungkol dito at ‘yun lang ang itsinika sa kanila ng source.

Karla nagpasalamat kay Robin

Ramdam namin ang sincerity ni Karla Estrada sa kanyang greetings kay Robin Padilla na nagdiwang ng kaarawan kahapon.

Sa kanyang Instagram nagbigay ng birthday message si Karla para kay Binoe. Pero aside from pagbati, abot-abot ang pagpapahayag ng pasasalamat ng TV host sa tiyuhin ng kanyang anak na si Daniel Padilla.

Nagpasalamat siya sa pagmamahal ni Binoe sa kanilang mag-ina kabilang na ang pagsasalba sa kanila during their struggling days.

“MALIGAYANG KAARAWAN SAIYO TOL! ako ay isang buhay na saksi ng kabutihan ng puso mo. Salamat sa pag mamahal mo sa aming mag ina. Salamat sa pagturing mo sakin bilang isang tunay na kapatid. Salamat sa pag salba ng tahimik sa aming mag ina noong mga panahon na wala pa ang mga karangyaang ito.

“Dalangin ko ang katuparan at tagumpay ng mga minimithi ng puso mo. mabuhay ka Brother Binoe!HAPPY HAPPY BIRTHDAY,” ang birthday message ni Karla kay Binoe.

vuukle comment

JOHN PRATS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with