^

Pang Movies

Mister ni Angel ‘di nagustuhan ang ginawa ng misis at John Lloyd noon

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Mister ni Angel �di nagustuhan ang ginawa ng misis at John Lloyd noon

Ang daming naaliw sa latest vlog ni Neil Arce kung saan ay ni-rate niya ang acting ng kanyang misis na si Angel Locsin sa mga past project nito.

Ayon sa producer/businessman, honest daw siya kay Angel at sinasabi niya agad kapag hindi niya gusto ang ginawa nitong mga eksena sa isang proyekyo.

“Kasi, part ‘yan ng relationship namin, ‘yung pagiging honest,” aniya.

Bilang magaling na aktres naman talaga si Angel, matataas ang ratings ni Neil sa mga iconic scene ng misis sa mga proyekto nito tulad ng The Legal Wife, The General’s Daughter, Lobo, Darna, Four Sister and a Wedding atbp. Either 10/10, 9/10 or 8/10 ang ratings niya.

Pero pagdating sa intense love scenes ni Angel with John Lloyd Cruz sa pelikulang Unofficially Yours ay 2/10 ang ibinigay na ratings ni Neil.

“Two. Kahit anon’g acting niya diyan, 2 out of 10,” sambit niya.

Paliwag ng mister ni Angel, “pag may mga ganyang eksena, siyempre producer din ako, nagdidirek din ako, naiintindihan ko ‘yan, pero advice ko sa iba, huwag n’yo na lang (i-torture?) ang sarili n’yo. Kung kaya n’yong huwag panoorin, huwag n’yo na lang panoorin” at nagtakip pa ng mata sa poster ng pelikula na nakatakip ng dyaryo ang topless na katawan nina Angel at Lloydie.

John Lloyd, nag-iingat tungkol kay Ellen

“Finally, she found the one,” ang reaksyon ni John Lloyd Cruz sa pagpapakasal ng ex-girlfriend na si Ellen Adarna kay Derek Ramsay.

Ayon pa sa aktor sa kanyang panayam kay Jessica Soho sa Kapuso Mo, Jessica Soho, maingat siya talaga pagdating sa pagbibigay ng pahayag tungkol sa dating karelasyon at ina ng kanyang anak na si Elias pero hangad daw niya ang kaligayahan nina Ellen at ni Derek.

“I have to put it in context and I have to be very careful because that’s her life. Nagsisimula at natatapos sa anak namin ‘yung aking masasabi patungkol sa kanya or sa buhay niya. Kaya when talking about her, I need to be very careful.

“Siyempre, sincerely, I wish her all the happiness in the world and I wish them both a strong and fun marriage. Kasi, vital ‘yun sa welfare at sa growth ng anak ko,” he said.

Napag-usapan ang first project niya sa Kapuso na isang sitcom at nabanggit ni Lloydie na may anak daw ang karakter niya rito.

So, inspired ito sa kanyang buhay?

“Siguro. Para mabawasan ang pagka-miss ko sa kanya (Elias) kapag hindi kami magkasama, kapag nasa trabaho ako,” sey ni Lloydie.

When asked kung anon’g klase siyang ama kay Elias, sambit ng aktor, “sana, may kwenta.”

Ayon pa sa aktor, hangga’t maari ay ayaw niyang maging imposing father kay Elias.

“As much as possible, I try to bring him closer to nature, kung saan may alon, mahilig siya sa animals,” pagbabahagi pa ng aktor.

vuukle comment

NEIL ARCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with