^

Pang Movies

Dennis at Jennylyn,umpisa na ang pagpapamilya

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Dennis at Jennylyn,umpisa na ang pagpapamilya

Ikinasal na pala sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Nice, dahil now officially at legally nasa tabi ni Jennylyn si Dennis ‘pag nagsilang siya sa kanilang anak.

Maganda siguro ang magiging married life nilang dalawa dahil mahaba rin ang journey na nilakbay nila together. Marami nang mga bagay na pinagsamahan at pareho nilang nalagpasan, kaya kung anuman ang magiging problema, tiyak na kakayanin na nilang dalawa.

Tuloy pa rin ang career nila, ang trabaho na lalo pa siguro nilang iingatan dahil meron na silang sariling pamilya. To Dennis and Jennylyn, wishing you the best in life, and may you be happy together, forever.

Mga kaibigang pangmatagalan, masarap alalahanin

May pinuntahan akong libing. At na-amaze ako na ang mga nakipaglibing ay old school friends at former neighbors ng namatay. Iyon bang all these years na-maintain nila ang communication nila, mula pagkabata hanggang pagtanda, kahit iba-iba na ang estado nila sa buhay, iba-iba na rin siguro ang mga interest at ginagawa, pero hindi naputol ang bonding nila.

I cannot understand dahil siguro may pagka-anti social ako nang kaunti. Iyon bang I usually just keep a close circle of friends, at limited lang ang mga pinupuntahan kong sosyalan. Plus the fact na kahit daldalera ako noong bata pa, gusto ko konti lang ang kausap ko. Madalas I outgrow ’yung grupo ko, na ang mga gusto nilang topic ayoko, so madalas out ako.

Maganda rin pala na you blend with your group, enjoy what they enjoy, at magiging mahaba ang binding ng grupo ninyo. Imagine enjoying things na pinag-usapan ninyo noong elementary pa lang kayo hanggang ngayong may mga apo na kayo. Trivial, petty, nonsense, pero emotionally rewarding siguro. You go back sa nagdaang panahon, dinugtong mo sa present, at baka makatulong sa future.

So sad na ngayon ko lang nakita ‘yung virtue ng patience, na huwag kang mainis sa paulit-ulit na pag-reminisce ng iba sa nakaraan. Baka iyon ang emotional crutch nila. Now I know. Nakita ko how they treasure ‘yung moments na iyon. Kaloka. ‘Yung elementary school friends, nandun sa funeral mo, bongga ‘di bah?

vuukle comment

DENNIS TRILLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with