^

Pang Movies

John Lloyd, ‘di nakahabol sa X-Mas id ng Kapuso, tali star na sa EB!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Love Together, Hope Together ang theme ng 2021 Christmas Station ID ng GMA Network na napanood na last Friday, Nov. 12, after ng 24 Oras. Hindi na pala naisama si new Kapuso actor John Lloyd Cruz, pero nakasama na sina Bea Alonzo, Richard Yap, Pokwang, Beauty Gonzalez at halos lahat ng mga GMA artists at mga taga-GMA News and Public Affairs. 

Nagbigay-pugay rin ang network sa frontliners and health workers na patuloy na naglilingkod sa ating mga kababayan na apektado ng COVID-19 pandemic at mga kababayan nating OFWs sa iba’t ibang bansa sa mundo.

First time namang gumawa ng sarili nilang Christmas ID ang Eat Bulaga (although kasama rin sila sa GMA Christmas Station ID), titled Parating Ang Pasko na nagsama-sama sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon at ang kani-kanilang pamilya, with other Dabarkads na virtual ang shoot, sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Allan K, Ryzza Mae Dizon, Jimmy Santos, Ryan Agoncillo, Baby Baste (who’s vacationing in the US now), Maine Mendoza and Alden Richards.

Thankful naman si Maja Salvador dahil isa na nga siya sa Dabarkads ng Eat Bulaga at kasama na siya sa Christmas ID, plus ang youngest recording star nila, si Tali Sotto.

Legal Wives, hinihiritan ng season 2

Bago natapos ang finale episode ng Legal Wives last Friday, marami na palang natanggap na request ang GMA Network na magkaroon ng season two ang serye dahil first time raw na may nangahas mag-produce ng show na tumatalakay sa mga Mranaw at marami silang aral na natutunan tungkol sa ating Muslim brothers. Open ang ending, na nagkasundu-sundo na ang legal wives, although malubha na ang karamdaman ni Amirah (Alice Dixson), nagsilang na si Diane (Andrea Torres) ng baby nila ni Ismael (Dennis Trillo) at mukhang may maganda na ring balita kay Farrah (Bianca Umali).

Derrick, naghahanda sa kasal ng kanyang mommy sa US

Sunud-sunod ang projects na ginawa ni Derrick Monasterio this year sa kabila ng pandemic, at nalubos pa ito dahil he will be celebrating Christmas and New Year in the United States dahil he will attend the wedding of their mom, former actress Tina Monasterio. First time raw niyang mag-Christmas away from home.

Sa January, 2022 pa ang wedding ng mommy niya, kaya tatapusin muna niya ang projects na ginagawa niya ngayon, like ang Oh, My Oppa episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko, na napapanood sa GMA 7 every Sunday, 6:30 p.m., with Sanya Lopez and Gil Cuerva. “Happy ako for my Mom, na sinorpresa niya kami ng kapatid ko nang basta nagpadala lamang siya ng picture wea­ring an engagement ring,” sabi ni Derrick.

“Kita namin sa picture niya na happy siya at nag-bloom ang beauty niya.  Mom is very supportive to us, kaya masaya kami para sa kanya.”

 

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with