^

Pang Movies

Ka Tunying, kinancel ng mga supporter ni VP Leni

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Ka Tunying, kinancel ng mga supporter ni VP Leni
Ka Tunying.

Mababasa sa Instagram ni Anthony Taberna ang “SUPORTA. Nang nalaman nila na may boycott call laban sa Ka Tunying’s dito sila nagtanghalian at inabot na halos ng meryenda kahit sa parking ay nahirapan sila. Sabi ni Kuyang Elmer Ngo ng Cherrylume, sa panahon ngayon na dapa ang mara­ming negosyo dahil sa pandemya ay dapat tayong sumusuporta sa isa’t isa kahit may mga nag-aaway sa pulitika. Tama naman, kahit sino ang manalo- tayo-tayo pa rin ang magkikita sa Finals! Salamat muli, sa uulitin!”

Hindi nabanggit ni Anthony kung aling grupo ang nagbo-boycott sa Ka Tunying’s Cafe, nabasa lang namin sa mga comment na ang supporters ni VP Leni Rob­redo ang nanawagang i-boycott ang restos niya. Dahil daw ito sa namumulitika siya at mas pabor sa administration at hindi balanseng magbalita.

May nagpaalala sa mga nagbo-boycott sa restos ni Anthony na commentator si Anthony at nagpapahayag lang ng kanyang opinyon.

Napansin din namin na kung may nagbo-boycott man, mas marami ang nagpahayag ng suporta kay Anthony at sa restos niya.

Anne at Sarah, sa isang taon na babalik sa trabaho

Ikatutuwa ng fans nina Anne Curtis at Sarah Geronimo ang pahayag ni Vic del Rosario na babalik na sa ASAP sa January 2022 si Sarah. Si Anne naman, sa February 2022, babalik sa It’s Showtime.

Sabi ni boss Vic kay Sarah, “Oo, iyon kasi, parang hinaha­nap din niya iyong quality ng production. Ang hirap kung parati na­ lang zoom zoom. Ngayon, sigurong January.”

Pagdating kay Anne, loyal daw ito sa ABS-CBN. “Lalo na sa samahan nila ni Vice Ganda, so, naghahanda siyang bumalik sa February.”

Medyo matagal pa ang January at February 2022, pero willing maghintay ang fans nina Sarah at Anne na muli silang mapanood sa show kung saan sila lumalabas.

Mga anak ni Direk Bobot, kasama rin sa sitcom ni Lloydie

Tanong ng Kapuso fans kung kasama raw ba sa cast ng sitcom ni John Lloyd Cruz sa GMA 7 na Happy Together ang mga anak ni director Bobot Mortiz na sina Frasco at Badji Mortiz? Nasa storycon kasi ang dalawa kung saan, present ang karamihan sa cast.

Sabi ng fans, kapag kasama ang dalawang anak ni direk Bobot plus marami sa cast ang galing sa ABS-CBN, para na raw itong show ng Kapamilya channel.

Tapos, nabanggit pa na may Kapamilya stars pa na susunod na papasok sa Happy Together at kundi madaragdagan, sina Jenzel Angeles at Ashley Rivera lang ang Kapuso stars sa cast.

Beauty, ‘di nakapunta sa kasalang Derek/Ellen

Hindi nakadalo si Beauty Gonzalez sa kasal nina Derek Ramsay at Ellen Adarna dahil naka-quarantine si Beauty. Siya kasi ang leading lady ni Dingdong Dantes sa I Can See You: Alternate at kailangang mag-quarantine bago isunod ang lock-in taping.

Nagpadala na lang ng message kina Derek at Ellen si Beauty na best friend pa naman ni Ellen at gugustuhin sanang present sa kasal, lalo na at isa sa flower girl ang kanyang anak.

Samantala, wala pang balita kung sino ang director ng ICSY: Alternate at kung sino ang ibang cast. Ang sabi, hindi lang one week ang airing nito, kundi one month, kaya mas mahaba ang taping.

Hindi rin nabanggit kung this year ba o next year ang airing ng mini-series ni Dingdong.

vuukle comment

ANTHONY TABERNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with