^

Pang Movies

Charlie, hindi nakatulog sa bashing Joshua, pinipili ang papatulan!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Charlie, hindi nakatulog sa bashing Joshua, pinipili ang papatulan!
Charlie.

Ipinagpapasalamat ni Charlie Dizon na simula nang pumasok siya sa showbiz ay wala pa namang viral scandal talaga sa kanya na talagang naapektuhan siya.

Ayon sa isa sa bida ng upcoming series na Viral Scandal, ang pinakamatindi lang so far na naranasan niya ay ‘yung na-bash siya noong bago pa lang siya sa showbiz.

“Siyempre, naiintindihan ko naman po na bago ako, hindi nila talaga ako kilala and hindi nila alam kung ano ang ibibigay ko rin. Kaya na-gets ko naman siguro ‘yun ‘yung judgment nga nila sa umpisa.

“Pero ‘yun, siguro ‘yun lang ‘yung pinakamatinding pinagdaanan ko noon na nahirapan ako kasi nga bago pa lang ako, so, hindi ako sanay na gano’n,” pagbabahagi ni Charlie sa digital mediacon ng Viral Scandal kahapon.

Aminado ang award-winning actress na talagang naapektuhan siya that time to the point na nahirapan siyang magtrabaho at hindi makatulog.

“Kahit hindi ko siya isipin, naiisip ko talaga. Like kahit hindi ko siya tingnan, naiisip ko pa rin na alam kong maraming nangba-bash,” aniya.

Pero natutunan na rin daw niyang tanggapin na parte ito ng pagiging artista.

“Wala, eh, parang nangyayari po talaga siya sa buhay. Pero ang iniisip ko na lang, hindi naman forever ganu’n. Lilipas din. Tapos nun’g lumipas naman, naging maayos naman po lahat,” she said.

Ang lead actor naman na si Joshua Garcia, bilang mas matagal na siya sa showbiz ay ilang beses nang nasangkot sa mga viral issues. When asked kung paano niya ito na-handle, ayon sa aktor, hindi na raw niya pinapansin kapag  negative issues.

“Kasi, wala, eh. Sayang energy ko kung iha-handle ko siya, di ba? Pero syempre, ‘yung magagandang viral na nangyari sa akin, eh tine-tresure ko ‘yun kasi part ng journey ko ‘yun as an artist, as an actor,” aniya.

Natutunan na rin daw niya na piliin kung alin ang dapat patulan at hindi.

“Choose your battle talaga kasi sayang ang energy talaga, eh. Pagka binigyan mo ng importansiya ‘yung mga ganu’n na alam mong hindi makakatulong sa ‘yo. Depende sa sitwasyon,” sey ng aktor.

Samantala, first time na magkakapareha nina Joshua at Charlie sa napapanahong serye ng ABS-CBN Entertainment na Viral Scandal na mapapanood ngayong Lunes (Nob. 15).

 Makakakasama rin sa Viral Scandal sina Dimples Romana, Jake Cuenca, Miko Raval, Jameson Blake, Markus Patterson, Ria Atayde, Maxene Magalona, Aljon Mendoza, Karina Bautista, Louise Abuel, Kaila Estrada,Vance Larena, Gian Magdangal, Arielle Roces, at Aya Fernandez. Abangan ito sa Kapamilya Channel, TV5, A2Z, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC IPTV.

 

vuukle comment

CHARLIE DIZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with