^

Pang Movies

Xian, may bagong proyekto na sa GMA

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Xian, may bagong proyekto na sa GMA
Xian.

Mabilis na tinupad ng GMA Network ang pangako nila kay Xian Lim, matapos na pansamantalang na-shelved ang tini-tape na nilang serye ni Jennylyn Mercado na Love. Die, Repeat. Nalaman na kasi ni Jennylyna na she’s three months preggy with boyfriend Dennis Trillo. Kaya nag-decide silang i-hold muna ang serye.

Isang bagong romantic mini-series ang ibinigay kay Xian na leading lady si Glaiza de Castro, titled False Positive.

Naka-schedule nang magsimula ang quarantine ng buong cast ng serye sa last week of November, 2021.

Dennis, gusto naman kamuhian

Finale episode na today ng cultural drama series na Legal Wives ni Dennis Trillo, with ‘wives’ Alice Dixson, Andrea Torres and Bianca Umali.

Kaya si Dennis ay gusto namang makagawa ng isang romantic comedy project, o isang naiiba namang role tulad na siya naman ang antagonist.

“Gusto ko namang ako ang kinamumuhian ng mga taong nanonood sa akin,” sabi ni Dennis sa interview sa pagtatapos ng kanilang serye. “Gusto ko rin naming baguhin iyong mga usual roles na ipinagagawa sa akin.  Iyong magpakita ako ng bago na magiging interested pa rin ang viewers na panoorin ako.”

At since isa na ring Kapuso ngayon ang actor na si John Lloyd Cruz, nagpaabot si Dennis ng message na willing siyang maging kontrabida ni Lloydie sa future project nito sa GMA.

Dati na silang magkasama noon ni Lloydie sa ABS-CBN pero hindi naman nagtagal doon si Dennis kaya hindi sila nagkaroon ng chance na magkatrabaho.

Kapana-panabik ang pagtatapos ng Legal Wives tonight, after ng 24 Oras sa GMA-7.

Alden at JLC, parehong gustong makatrabaho ang isa’t isa

Naging open noon pa si Asia’s Multimedia Star Alden Richards, na fan siya ng loveteam nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, kahit magkaiba sila ng network. Gumawa pa siya ng way noon na ma-meet niya nang personal ang mga idol niya, at makasama sila sa isang informal dinner. 

Kaya naman nang magkasama na sina Alden at Bea sa TVC shoot ng isang shampoo commercial, palagay na ang loob niya sa actress. Very soon nga ay magkakasama na sila sa isang movie na ipu-produce ng Viva Films, GMA Pictures at APT Entertainment.

Nang magbigay naman ng welcome message si Alden nang mag-sign ng contract si JLC sa paglipat sa GMA, ipinaabot niya ang wish niyang magkasama sila nito sa isang project.  Sinagot naman din agad ito ni JLC na sana nga ay magkatrabaho sila ni Alden.

vuukle comment

XIAN LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with