^

Pang Movies

Pope Francis, na-fake news sa ineendorsong presidentiable!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Pope Francis, na-fake news sa ineendorsong presidentiable!

Naku naman, pati si Pope Francis ay biniktima ng fake news kaugnay ng isang presidentiable na umano’y ineendorso niya.

Naging alerto ang ilang Katoliko upang magpakalat sa kanilang Facebook page ng fake news alert sa salitang iniuugnay kay Pope Francis.

Nakita namin ang fake news alert at isang presiden­tiable ang nakalagay sa post na ‘yon. Endorsement itong masasabi.

Kaya saad sa FB page ng Catholics at Work, “Pope Francis NEVER said these words,” kasama ang post ng umano’y endorsement ng Santo Papa.

Kaya naman, huwag basta paniwalaan ang mga post sa social media, huh! Pati Santo Papa binibiktima, huh! Matakot naman kayo sa Diyos!

Cong. Apid, nagbunga ang pagiging Probinsyano

Dumaan sa proper channel si Ang Probinsyano Party List Alfred “Apid” de los Santos para magamit Ang Probinsyano sa kanilang party list.

Kinusap ni Cong. Apid si Senator Grace Poe at Coco Martin upang gamitin ito. “Kinausap ko sila as a courtesy. Wala namang copyright infringement on our part. Naging maayos naman silang kausap at pumayag,” saad ni Cong. De Los Santos nang makausap ang ilang entertainment editors and press through Manay Lolit Solis.

Nagbunga naman ang APPL dahil sa 2019 elections eh number 5 sa 51 winning party lists ang APPL.

Pinakabatang kongresista si Cong. Apid 2019, 29 years old. Laki siyang Legazpi City, Albay. Proud and true blooded probinsyano talaga.

Ang pag-unlad ng mga probinsiya ang misyon ng APPL pagdating sa social services, infrastructure, livelihood, quality education at iba pa.

Nadagdag sina Boy Abunda at JM de Guzman sa pag-endorso sa Ang Probinsyano Party List.

vuukle comment

POPE FRANCIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with