Marian, bagong sold out queen!
Sold out Queen ang tawag ngayon kay Marian Rivera!
Paano naman kasi, tatlong araw lang eh sold out na ang items sa ni-launch na clothing line ng Flora Vida ni Marian, huh!
Sold out ‘yung white pieces sa clothing line niya at ‘yung woodrose items ay paubos na rin.
Sa website ni Yan, nakalagay ang description sa clothing line niya na, “an ensemble that truly brings happiness; calling it a representation of her belief that “going back to basics will always be timelessly beautiful.”
Take note, walang pakialam sa presyong P10K each ang bumili, huh!
Bukod sa clothing line, tuloy pa rin ang mga bulaklak at gamit sa bahay sa kitchen at kuwarto sa Flora Vida.
May kakambal ding suwerte si Marian pagdating sa pagiging negosyante, huh!
Angeli, niyakap na ang pagpapaseksi
Next important artist ngayon ng Viva Films si Angeli Khang!
Muling mapapanood si Angeli sa pinakamainit na pelikula ng taon na Mahjong Nights. Eh niyakap na rin niya ang mga sexy role na ginagawa niya dahil challenge ito para sa kanya.
Kasama niya sa movie ang most in demand young actor na si Sean de Guzman na love interest niya, Jay Manalo at Mickey Ferriols.
Mula sa dirksyon ni Lawrence Fajardo at streaming na ito sa Vivamax sa Nov. 12.
- Latest