^

Pang Movies

Pero todo tanggi na alam ang pagpapakasal kay Mel Sarmiento... Herbert, happy para kay Kris

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Pero todo tanggi na alam ang pagpapakasal kay Mel Sarmiento... Herbert, happy para kay Kris
Herbert at Kris.

Bilang isang alagad din ng sining bago inagaw ng politika, natutuwa si senatoriable Herbert “Bistek” Bautista sa muling pagbubukas ng mga sinehan sa Nov. 10.

‘Yun nga lang, dahil 30% lang ng capacity ang allowed, alam niyang hindi pa rin kikita or makakabawi ang mga producer, pero mas mabuti na raw ito at siyempre, pansamantala lang naman ito.

Pero ang mas ikinalulungkot ni Bistek ay mas inuna pa raw magpalabas ng foreign films than local films ang mga sinehan.

“It’s unfortunate na inuna nila ‘yung foreign films. Sana naman, inuna nila ‘yung mga pelikulang Pilipino para naman mabuhay natin ang local film industry,” sabi ng Senatorial candidate sa lunch tsikahan with the entertainment press kahapon.

“I hope the government considers that. It’s not all about profit for theater owners or even taxes pagdating sa amusement tax but it’s also about recovering from the loss of the movie industry,” he said.

Isa pang hiling ni Bistek ay sana naman daw ay bawasan ng mga theater owners ang 50% na singil nila sa mga local producer sa gross income ng pelikula.

“Para makapag-recover ang ating mga movie producers, yung theater should not get 50% of the earnings. Maybe they can get 20%? Until we are able to recover.

“Because the 30% na mapupunta’t babalik sa producer is a very big amount para ma-recover niya ang loss niya, at the same time, para makapag-produce pa siya ng marami. At pag nakapag-produce siya ng marami, magiging active ulit ang industriya natin.

“I think, that’s one help that the theater owners can support the film industry,” pahayag pa ni Bistek.

Samantala, hindi nakaiwas ang aktor/politiko nang matanong kung ano ang masasabi niya na ikakasal na ang kanyang ex-girlfriend na si Kris Aquino.

Noong una ay nagbiro si Bistek na mahina raw ang signal niya at nagkunwang nag-freeze pa sa pagsasalita para makaiwas. Tawanan.

Pero syempre ay nagbigay din siya ng pahayag kahit maikli lang.

“Hindi ba sinabi ko naman masaya ako dahil if you read her post, ‘yung peace and quiet, ‘yun ang hinahanap niya, eh. So, okay naman. I think, she’s happy.”

Na-shock ba siya na ikakasal na si Kris?

“Hindi ko alam na ikakasal siya. Hindi kasi ako nagmo-monitor ng ano niya,” sambit ng Senatoriable.

Pero inulit naman niyang happy raw siya for Kris.

When asked kung happy naman siya, “oo naman, happy naman ako.”

Sino ang nagpapa-happy sa kanya? Beauty queen ba?

“Wala, wala,” sabay-tawa.

As we all know ay nali-link si Bistek ngayon kay Ruffa Gutierrez simula nang magkasama sila sa seryeng The House Arrest of Us sa ABS-CBN.

In the past interviews ay nilinaw na ni Ruffa na family friend nila si Bistek but the thing is, hanggang ngayon ay tinutukso pa rin sila sa showbiz kaya hindi mamatay-matay ang tsismis.

 

vuukle comment

HERBERT BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with