^

Pang Movies

Pinoy actor sa Squid Game, nabiktima ng discrimination sa Korea

Pang-masa
Pinoy actor sa Squid Game, nabiktima ng discrimination sa Korea
Christian Lagahit.

MANILA, Philippines — Naging victim of racial discrimination ang Pinoy actor sa hit Korean series na Squid Game na si Christian Lagahit.

Kahit na raw lumalabas siya sa ilang Korean movies at TV series, hindi raw maiiwasan na meron pa ring mag-discriminate sa kanya dahil sa pagiging Filipino niya.

Sa naging interview ni Lagahit sa Asian Boss, binalikan ni Lagahit ang naging experience niya nang may isang babae na bigla na lang siyang binato ng repolyo sa mukha.

Kuwento ni Lagahit, sumakay raw siya ng isang village bus na medyo puno na kaya tumayo na lang siya sa likuran ng bus. Bigla na lang daw may nambato sa kanya ng repolyo at nasapul siya sa mukha.

Nakita raw niya na isang Korean woman na may edad na 50 ang nambato sa kanya. Agad daw niyang tinanong ang babae kung bakit siya binato nito?

“The hardest part was no one is paying attention to me. Everyone was there. There’s a lot of people inside,” sey ni Lagahit na walang nakuhang sagot mula sa babae.

Wala raw nagawa si Lagahit kundi ang bumaba na lamang ng bus at maghintay ng susunod na bus.

Iba naman daw ang experience niya sa Koreans na katrabaho niya sa Squid Game. Mababait daw ang mga ito at wala siyang naranasan na diskriminasyon habang nagsu-shoot sila ng naturang series.

Kim Kardashian at SNL comedian Pete Davidson, nag-date

Mukhang may bagong boylet ang reality TV star na si Kim Kardashian at ito ay ang SNL (Saturday Night Live) comedian na si Pete Davidson.

Namataan sina Kim at Pete na nag-Halloween weekend sa Knott’s Scary Farm kung saan magka-holding hands pa sila noong sumakay sila ng roller coaster sa Buena Park, California.

Sa naging report ng TMZ, friends lang daw sina Kim at Pete. Hindi raw sila nag-date dahil may mga kasama silang friends noong weekend na iyon tulad ng sister ni Kim na si Kourtney Kardashian kasama ang fiance na si Travis Barker. Kasama rin nila ang singer na si Harry Hudson at ang assistant ni Kim na si Stephanie Shepherd.

Nagsimula raw ang friendship nina Kim at Pete pagkatapos na magkaroon sila ng kissing scene sa Aladdin sketch ng SNL noong maging host si Kim ng SNL kamakailan.

Nasa gitna ng isang divorce si Kim with ex-husband Kanye West a.k.a. Ye, kaya hanggang friends lang daw sila ni Pete na 14 years ang age gap nila. Kim is 41 at 27 naman si Pete.

Ex-fiance ni Pete ang singer na si Ariana Grande at dati niyang naging girlfriend ang Bridgerton star na si Phoebe Dynevo, ang writer na si Cazzie David, ang 20-year old model na anak ni Cindy Crawford na si Kaia Gerber, at ang 48-year old English actress na si Kate Beckinsale.

vuukle comment

SQUID GAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with