^

Pang Movies

Habang waiting sa kapalaran ng serye nila ni Jennylyn Xian Lim, inaabala ang sarili sa pagmo-motor

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Habang waiting sa kapalaran ng serye nila ni Jennylyn Xian Lim, inaabala ang sarili sa pagmo-motor

Wala pang statement ang GMA 7 kung anong mangyayari kay Xian Lim na leading man ni Jennylyn Mercado sa teleseryeng Love.Die. Repeat. ngayong buntis ang actress at naghahanda sa kasal nila ni Dennis Trillo.

Nasa taping si Jennylyn ng sana’y first teleserye ni Xian sa GMA nang nadiskubre niyang buntis siya.

Umamin ang actress na medyo emosyonal siya that time at iba ang pakiramdam dahil lagi siyang may acid reflux at sumasakit ang ulo at nasusuka pa habang nasa taping. “Parang doon ako napaisip na hala. Saka delayed ako for a week, kasi usually, nade-delay ako three days lang, four days. Hindi ako lumalagpas ng one week. Sabi ko kay Dennis, bumili siya, padalhan ako ng test, ng PT (pregnancy test). Doon namin nalaman,” pagkukuwento pa ng actress sa interview ng digital magazine na Mega.

Sa ngayon ay abala si Xian sa pagmo-motor base sa mga post niya sa kanyang Instagram page.

May tropa na siya at may isang post siya na nag-helicopter pa sila papunta sa kanilang destinasyon bitbit ang kanilang mga motorsiklo.

Samantala, sinabi nina Dennis at Jennylyn na bumiyahe pa sila ng Amerika para mag-harvest ng ‘egg’ kung saan nagkaroon sila ng fertility treatments at nakipag-usap na nga sa surrogate mother sana.  “Naka-harvest kami ng five eggs. Pero isa lang ‘yung excellent egg so parang tapon din ‘yung apat – isa lang talaga. Isa lang ‘yung nabuo ko,” banggit ni Jennylyn sa interview ng GMA.

Paliwanag naman ni Dennis : “Pero embryo na ‘yun. Embryo na siya kasi nag-[fertilize]” na uma­min din na nakipagkita sila sa dalawang tao bago mag-decide sa pipiliin nilang surrogate mother.

“Napili namin na perfect para doon sa embryo na ‘yun. Pagkatapos naman, okay na lahat, okay na. May schedule na ng implant. Nakilala na namin ‘yung surrogate, mababait sila, tapos magpipirmahan na lang kami ng kontrata and ii-inject na lang ‘yung embryo sa kanya ngayong October dapat,” dagdag na kuwento ng actor sa nasabing interview.

Kinda shocking dahil nasa prime age pa sina Jennylyn (34) and Dennis (40) para magkaanak pero naisip na pala nila ang surrogacy.

Unless may medical problems si Jennylyn sa uterus or heart issues pero wala siyang binanggit.

Kasama sa mga sumailalim sa surrogacy sina Dra. Vicki Belo, Korina Sanchez and Alice Dixson.

vuukle comment

XIAN LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with