^

Pang Movies

LJ nagsalita, Paulo A. nag-reach out, Paolo Contis walang effort!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
LJ nagsalita, Paulo A. nag-reach out, Paolo Contis walang effort!

Dinayo pa ni King of Talk Boy Abunda si LJ Reyes sa Brooklyn, New York para makapanayam nang personal ang aktres.

Matatandaang kay Kuya Boy unang nag-open up si LJ tungkol sa hiwalayan nila ni Paolo Contis sa pamamagitan ng virtual interview noong Setyembre.

Medyo maaliwalas na ang aura ni LJ ngayon kumpara sa first interview na talaga namang hindi matigil ang kanyang pag-iyak at kitang-kita mo ang pain na nararamdaman niya.

Ngayon ay nakakangiti na ang aktres at mukhang unti-unti na ngang nakaka-recover although sey nga niya ay hindi pa rin ganu’n kadali. “I want to be honest there are days that I find it difficult to... ang hirap nito. Okay, nandito kayo ng mga bata. Kailangan kayanin mo. Halos minu-minuto akong nagdadasal. If not, may mga araw na I don’t feel okay,” pahayag ni LJ.

“It will be a very long journey, a difficult one. Pero, kumakapit na ako sa Diyos,” dagdag niya.

Natanong si LJ kung nag-reach out na ba si Paolo sa kanya at ayon sa aktres ay hindi raw. “No, tito Boy. No efforts,” aniya.

Nang matanong kung napatawad na ba niya ang dating karelasyon, ito raw ang kanyang pinagdadasal ngayon.

“It’s a work in progress. Pinagdarasal ko na mapatawad ko siya kasi I know if I don’t forgive him, this very dark emotion will eat me up. And I won’t be able to move on with my kids, move forward with my kids nang maayos, tito Boy. ‘Yung walang galit,” wika ni LJ.

Labis na nagpapasalamat ang aktres sa lahat ng mga nagpapaabot ng suporta at pagmamahal sa kanilang mag-iina. Maging si Paulo Avelino na tatay ng panganay na anak niyang si Aki at nag-reach out daw sa kanya to let her know that he’s there for them.

“Nagsabi lang siya na parang ‘I know you’re going through a very difficult time,’ ganyan, and siyempre, ang iniisip niya rin, eh si Aki, and if if anything daw that I need when it comes to Aki, I can always tell him,” kwento ni LJ.

Heart, sa USA magpapasko

Pagkatapos ng lock-in taping ni Heart Evangelista ng I Left My Heart in Sorsogon ay lilipad na raw siya pa-USA at doon na raw siya magpa-Pasko. Ibinalita niya ito sa kanyang Instagram Live kahapon.

Ayon kay Heart ay may secret project daw siyang gagawin sa Los Angeles. “I’ll be there for I think, over a month and then, I’m also going to go there, hopefully to spend Christmas and I’m also going there for an art exhibit,” sey niya.

Hindi na binanggit ni Heart kung kasama ba niya or susunod ang mister niyang si Gov. Chiz Escudero’t mga anak nito para magkakasama sila sa Pasko pero siguro naman dahil ang lungkot naman kung siya lang mag-isa roon sa Holidays Season.

vuukle comment

LJ REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with