^

Pang Movies

Ryan at Juday, kumpleto na ang kaligayahan

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Ryan at Juday, kumpleto na ang kaligayahan

Kumpleto na ang kaligayan ng mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos ngayong nagsisilakihan na ang kanilang tatlong anak na ang panganay ay ang kanilang adopted daughter na si Yohan, now 17 at sumusunod naman ang dalawang biological children ng mag-asawa, sina Lucho (11) at Luna (5).

Sina Juday at Ryan ay ikinasal nung April 28, 2009.

Kahit adopted daughter ng mag-asawa si Yohan, the couple give her 100% care and love bilang tunay na anak tulad ng kanilang pagmamahal sa kanilang biological children na sina Lucho at Luna.

Jomari at Abby, mas tumibay ang relasyon nang magkabalikan

Love is lovelier the second time around kina Jomari Yllana at Abby Viduya na unang naging magkasintahan when they were both 15 years old nung kainitan ng teen group na Guwapings na binubuo noon nina Mark Anthony Fernandez, Eric Fructuoso at Jomari.

Although first love nina Abby at Jomari ang isa’t isa, nagkahiwalay ang dalawa dahil pareho pa silang mga bata at nag kani-kanya na sila ng buhay pero pagkaraan ng tatlong dekada ay muling nagkrus ang landas ng dalawa hanggang sila’y mu­ling magkabalikan in 2019. 

Ang maganda sa dalawa, marami silang natutunan sa buhay at pareho rin silang nag-mature ng kanilang mga disposisyon at pananaw sa buhay. “Napagkukuwentuhan naming dalawa ‘yung mga panahon na wala kami sa isa’t isa at mga napagdaanan namin sa buhay,” pahayag ng actor-politician who is seeking his third term bilang konsehal ng 1st district ng Parañaque sa darating na May 2022 elections.

Si Abby na bumalik sa bansa in 2019 ay nagbabalik-showbiz na rin. Katatapos lang din niya gawin ang kanyang first TV series sa GMA, ang Lolong na malapit nang ipalabas.

Kabayan Noli, susunod na kay Ted?!

Na-shake up ang longest-running primetime news program ng ABS-CBN, ang TV Patrol nang mag-resign sa programa ang main anchor na si Kabayan Noli de Castro para muling tumakbo sa pagka-senador. Pero ilang araw lamang matapos siyang mag-file ng COC ay nag-withdraw ang dating senador at Vice President ng bansa at veteran broadcast journalist ng kanyang kandidatura.

Sa magkasunod na pag-alis nina Kim Atienza at Kabayan Noli sa TV Patrol ay nagkaroon din ng mga pagbabago sa flagship news program ng Kapamilya channel. Si Karen Davila ang pumalit kay Kabayan Noli at idinagdag din ang mga bagong segment anchors ng programa na sina Winnie Cordero, Marc Logan at Boyet Sison.

Ngayong kumpleto na ang bumubuo ng TV Patrol na kinabibilangan din nina Bernadette Sembrano-Aguinaldo at Henry Omaga Diaz with Gretchen Fullido as entertainment anchor, mukhang hindi na babalik sa nasabing programa si Kabayan Noli.

Totoo kaya, Salve A., ang lumulutang na balita na ito’y mapapanood umano sa TV5 kung saan din unang lumipat ang isa sa mga original anchors ng TV Patrol na si Ted Failon?

vuukle comment

JUDY ANN SANTOS

RYAN AGONCILLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with