^

Pang Movies

James, kinakarir na ang pagiging ‘italian’

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
James, kinakarir na ang pagiging �italian�

Bongga si James Yap, marunong nang mag-Italian at ang caption nito sa isa niyang post ay in Italian at dahil ito sa Italian ang partner niya in life. Saka, madalas sila sa Italy, sa place ni Michela Cazzola at puro Italians ang nakakasalamuha at nakakausap.

Isa pang pagbabago kay James, nagho-horseback riding na rin siya na sabi nito, hindi pala madali. Nasa vlog ni James ang first time niyang horseback riding, panoorin niyo nga.

Anyway, tatakbo ngang konsehal sa San Juan City si James sa tiket ni San Juan Mayor Francis Zamora. Sa March 2022 pa ang simula ng kampanya, kaya hindi pa inilalabas ni James ang kanyang plataporma.

Heart at KC, pinagkukumpara ang Jewelry design

Maganda na, malaki pa ang office ni Heart Evangelista na nasa bahay rin yata nila ni Sorsogon Governor Chiz Escudero. Naka-display sa kanyang office ang ilan sa kanyang paintings at makikita rin ang picture frame ng sinasabing favorite people ni Heart. Kabilang dito ang photos nina the late Senator Miriam Defensor-Santiago at Lovi Poe. Makikita rin sa office ni Heart ang red accent chair na regalo raw ni Lovi at ang long wooden table na sabi, sa mesang ‘yun nagaganap ang mga miting ni Heart.

May second floor ito na parang museum sa rami ng nakataas na paintings. Makikita rin ang more furnitures na sabi ni Heart, ang iba ay binili niya sa mga nagsasarang hotels.

Ang interior designer ay the same designer sa bahay nila ni Chiz, kaya mayroong the same feels.

Na-curious tuloy ang fans sa kanyang office at wish nilang may mga eksena sa I Left My Heart in Sorsogon na kinunan sa office para mas mabusisi nila.

Samantala, into designing jewelry na rin si Heart in collaboration with Royal Gem. Ang mga design niya ay available sa Charm Bar Giveaway. Magaganda rin ang design na siya rin ang model, kaya ayun, mas marami ang nagkainteres bumili.

Dalawa na sina Heart at KC Concepcion sa celebrity na designer ng jewelry, asahang may pagkukumparang magaganap sa netizens sa kung kaninong design ang mas maganda.

Gaganap na Valentina, Jackie Kapamilya na rin?!

Parang totoo ang tsika na lilipat na sa ABS-CBN si Jackie Rice dahil hindi na siya kasama sa cast ng Afternoon Prime ng GMA na Artikulo 247. Si Kris Bernal ang pumalit kay Jackie at makakasama nina Mark Herras, Jason Abalos, at Rhian Ramos.

Ang tsika pa nga, magiging part ng Darna si Jackie at siya ang gaganap na Valentina na makakalaban ni Jane de Leon. Wine-welcome na rin si Jackie ng Kapamilya fans at sinasabihang hindi siya magsisisi sa paglipat niya sa ABS-CBN.

Wala pang pahayag ang ABS-CBN tungkol dito, kaya hindi pa kumpirmado.

Gabby at Marian, itinuloy ang tambalan

Nagte-taping pala muna si Gabby Concepcion ng anniversary episode ng Tadhana bago simulan ang lock-in taping ng First Lady na balik-tambalan nila ni Sanya Lopez.

Kung hindi man natuloy ang pagtatambal nina Gabby at Marian Rivera sa First Yaya, para na rin silang magkasama sa Tadhana na si Marian ang host.

vuukle comment

JAMES YAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with