^

Pang Movies

Kabayang Noli, wala pang paramdam kung tuloy sa TV5

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Kabayang Noli, wala pang paramdam kung tuloy sa TV5

Alam mo, Salve A., hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa marami kung babalik si Kabayan Noli de Castro sa bakuran ng ABS-CBN or sa TV5?

Nang mag-resign sa ABS-CBN si Kabayan Noli para muling kumandidato sa pagka-senador, nagkaroon ng kaunting balasahan sa loob ng news and current affairs department. Hinugot si Karen Davila sa The World Tonight nila ni Tony Velasquez para maging kapalit si Kabayan Noli sa TV Patrol habang ang field reporter na si Pia Gutierrez naman ang inilagay sa puwesto ni Karen sa The World Tonight.

Ngayong hindi na matutuloy si Kabayan Noli sa kanyang kandidatura, makakabalik ba siyang muli sa Kapamilya channel o lilipat na lamang siya ng TV5 news dahil tuloy si Raffy Tulfo sa pagkandidato sa pagka-senador?

Lumulutang ang balita na lilipat umano si Kabayan Noli sa news ng TV5 kung saan si Luchi Cruz-Valdez ang head.

As of this writing ay wala pang movement sa pagitan ni Kabayan Noli, ABS-CBN at maging ang TV5.

Alden, naghahanap na rin ng inspirasyon

Magti-thirty years old ang Kapuso prized actor at entrepreneur na si Alden Richards sa darating na Jan. 2, 2022 kaya umaasa ang dating ka-loveteam ni Maine Mendoza na makakahanap na rin siya ng bagong inspirasyon sa papasok na bagong taon.

Nang maging Kapuso actor si Alden, na-link siya sa apat na babae – sina Louise de Los Reyes, Sam Pinto (na may asawa’t anak na ngayon), Julie Ann San Jose at maging sa kanyang dating ka-loveteam na si Maine Mendoza.

Samantala, kamakailan lamang ay muling nag-renew ng kontrata si Alden sa kanyang home studio, ang GMA.

Last August pa dapat sisimulan ni Alden ang first team-up nila ni Bea Alonzo sa pelikulang A Moment to Remember, pero ‘di natuloy.

Hindi rin nakakapag-report si Alden sa Eat Bulaga dahil sa kanyang schedule sa kanyang bagong TV series, ang The World Between Us na pinagtambalan nila ni Jasmine Curtis-Smith.

vuukle comment

NOLI DE CASTRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with