^

Pang Movies

Ivana, hinihiritang maging valentina

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Ivana, hinihiritang maging valentina
Ivana

Hoy, Salve A., nakikita mo ba lately si Joshua Garcia sa kanyang photos na lumalabas sa dyaryo, tabloids at iba pang, well, social media platforms ekek?

Well, lalo siyang gumuwapo. Bale ba, halatang nag-add siya ng height at naging slimmer.

Twenty four years old, kasalukuyan siyang nali-link sa equally sexy na si Ivana Alawi, who, we learned, is also 24 years old.

Well, neither of them admit or deny the rumor or report kaya.

Pero, bagay sana sila, ‘di ba, Salve A.?

Ang confirmed na ay ang pagiging leading man ni Joshua kay Jane de Leon sa Darna: The TV Series.

Pero, wala pa raw tiyak kung sino ang magpu-portray ng Valentina.

Well, why not Ivana?

Palagay mo, Salve A.?

Kylie at Andrea, pareho ng pinag­daanan ng puso

Kontrabida raw ang role na gagampanan ni Kylie Padilla sa kanyang bagong series, BetCin, co-starring her with Andrea Torres.

BetCin is now streaming sa WeTV, every Friday.

Come to think of it, may something in common itong sina Kylie at Andrea. Both just came from a broken relationship.

Kylie, with husband Aljur Abrenica, with whom she has two boys. At si Andrea naman, from Derek Ramsay, na sabi-sabing, malapit nang ikasal sa kanyang fiancée na si Ellen Adarna.

Andrew E., kinalasan ng mga problema

Embrace them. Yes, them.

Ito ang advice ng comedian-rapper na si Andrew E., yes, sa may mga kasalukuyang dinadalang problema.

Before you know it, aniya, tulad sa isang ‘yapos,’ kumalas na ang problema sa iyo.

In his case nga raw, sari-sari nang problema ang kanyang ‘niyapos.’

Na awa raw ng Diyos ay kusang ‘kumalas’ sa kanya.

Well, balik sa entertainment scene si Andrew E., after a few years na “feel” niya ‘di man lang siya na-miss kahit ng kanyang inakalang dating mga authentic na tagahanga.

Kumikita at pinag-uusapan ang kanyang bagong pelikulang Shoot! Shoot!: Di Ko Siya Titigilan, based sa isang rap song na kanyang nilikha at pinasikat ilang taon na ang nakaraan.

Directed by Al Tantay, Shoot! Shoot! co-stars him with two young leading ladies with whom he both share sexy scenes.

The girls, na puwede na pareho niyang maging anak, as they are both in their 20s, are AJ Raval at Sunshine Guimary.

Alyssa, ninerbiyos sa bahay ni Kuya

Kasama si Alyssa Valdez, top volleyball player ng volleyball team ng Ateneo de Manila University sa mga bagong ‘recruit’ as housemate ni Kuya sa 10th Celebrity Edition ng Pinoy Big Brother (PBB).

Today, Sabado, Oct. 16, si Alyssa, kasama ang iba pang bagong housemates ay papasok sa Bahay ni Kuya.

Medyo ninerbiyos daw si Alyssa, who is 28, na ‘di niya malaman. But if only for the experience lang, she wants to participate in the reality show.

At sabi nga ni Melai Cantiveros, na nanalo na bilang PBB Celebrity housemate, huwag isnabin ang cash prize at stake. At, kung baguhan ka, ang naghihintay na opportunities sa showbiz.

In her case raw, ayon kay Melai, isang simpleng estudyante lang siya nang pumasok sa Bahay ni Kuya, at nang manalo bilang PBB Double Up, taong 2009.

Malaking bonus na nakilala niya bilang fellow housemate si Jason Francisco, now her husband at ama ng dalawa niyang anak, the eldest of whom, Mela, is now seven years old.

vuukle comment

JOSHUA GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with