^

Pang Movies

Jinkee at Heart, suki ng mga mahilig mag-compute ng kagamitan

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Jinkee at Heart, suki ng mga mahilig mag-compute ng kagamitan

Hindi na lang pinupusuan ng netizens ang post sa mga celebrity na kanilang gusto, pini-presyuhan na rin ang mga suot ng mga celebrity. Suki sa presyuhan sa mga suot nila sina Jinkee Pacquiao at Heart Evangelista at si Heart nga, ang latest na prinesyuhan ay ang mga suot nitong jewelry habang nasa Balesin Island Club.

Sa kanyang vlog, makikita ang mga suot ni Heart na Cartier bracelets, necklace, a watch at Louis Vuitton sunglasses.

Six Cartier Love bracelets ang suot ni Heart at kung susumahin daw ang Cartier jewelry na suot, aabot sa P10. 7 million lahat.

Imagine, nasa Balesin lang sila ni Sorsogon Gov. Chiz Escudero that time at ganu’n na kamahal ang suot niya at milyones talaga. Imagine kung ilang milyon ang worth ng suot niya kapag dumadalo siya sa mga fashion show sa ibang bansa?

Hindi yata napasama sa presyuhan ang anklet na suot ni Heart sa same occasion na nakita lang sa late post niya. Cartier din yata ang anklet ng lead actress ng I Left My Heart in Sorsogon.

Napapansin din pala ng followers ni Heart sa Instagram na comfortable na siya wearing two-piece bikini at marami na siyang post na suot ang branded na two-piece bikini.

Green ni Kiko, pinagtanggol ni Sharon

Ang tapang ng post ni Sharon Cuneta sa Instagram patungkol sa trolls and haters na nag-react at hindi nagustuhan ang post niya kina VP Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan na tumatakbong president and vice- president respectively.

Tinumbok ni Sharon ang present administration na nag-instill daw ng hate sa mga Pilipino. Kulang na lang pangalanan si President Rodrigo Duterte.

Binanggit din ni Sharon ang isyu sa Pharmally na pinagtatakpan at prinoprotektahan.

Nag-comment din si Sharon sa akusasyon kay Sen. Kiko na inagaw nito ang color green (green din kasi ang political color ni Davao Mayor Sara Duterte).

“It is funny how some people are claiming that GREEN is “THEIR” color. May nagsasabi pa inaagaw daw namin! Since Kiko first ran for the Senate in 2001, green na ang kulay niya/namin! So go find your own color. Please.”

Lauren, pinagmamalaking magaling na aktres

Gusto namin ang confidence ni Lauren Young nang sabihing alam niyang magaling siya, kaya patuloy pa rin siyang kinukuha ng GMA-7 at pinagkakatiwalaan ng beautiful roles. Totoo naman ang sinabi ni Lauren, mahusay siyang aktres at hindi lugi sa kanya ang producer at hindi mahihirapan ang director na makakatrabaho.

 Kaya kahit two years na siyang hindi umaarte at ayaw tumanggap ng project dahil sa pandemic, siya pa rin ang napili at kinuha to play Victoria Flores, ang wife ni Bruce (Jak Roberto) sa Afternoon Prime ng GMA-7 na Stories From the Heart: Never Say Goodbye.

“Gusto ko ipakita sa mga tao na magaling ako dahil ayokong mapanood ang sarili ko at mapanood ng mga tao na may masasabi silang kulang ang ginawa ko. I make sure the last show na ginawa ko is better than the last. Ang sarili ko ang biggest competition ko,” sabi ni Lauren.

Masaya rin si Lauren dahil hindi kontrabida ang karakter niyang si Victoria, pumayag pa ngang hiramin ang asawa niya ng ex nitong si Joyce (Klea Pineda).

Sa Monday, October 18 na ang premiere ng Never Say Goodbye sa direction ni Paul Sta. Ana.

vuukle comment

JINKEE PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with