^

Pang Movies

ABS-CBN news, nagsalita sa kandidatura ni Kabayan!

Pang-masa

MANILA, Philippines — Susubukang bumalik sa Senado ni Kabayan Noli de Castro.

Kagabi ay nagpaalam na ito sa TV Patrol.

Agad namang naglabas ng opisyal na pahayag ang ABS-CBN.

“Ipinabatid na sa amin ng aming Kapamil­yang si Noli “Kabayan” De Castro ang kanyang hangaring tumakbo sa darating na halalan sa 2022.

“Nirerespeto ng ABS-CBN ang desisyon niyang ipagpatuloy ang paglilingkod niya sa bayan bilang isang opisyal ng gobyerno.

“Alinsunod sa aming patakaran, kailangang bitiwan ni Kabayan ang mga programang  TV Patrol, Kabayan, at TeleRadyo Balita kapag pormal na niyang inihain ang kanyang kandidatura.

“Nagpapasalamat kami kay Kabayan sa kanyang serbisyo sa loob ng ilang dekada sa ABS-CBN News, kung saan naging malaking bahagi siya ng mga programang tumatak na sa kasaysayan at mga proyektong naghatid ng tulong sa publiko. Nagsilbi rin siyang gabay sa hene-henerasyon ng mamamahayag sa aming organisasyon.

“Nandito pa rin ang TV Patrol dahil sa pundasyong binuo niya kasama ang iba pang tagapagbalita sa ABS-CBN News sa mga nagdaang taon, at mananatili itong matatag habang patuloy naming hinaharap at pinagtatagumpayan ang mga pagbabago ngayon at sa mga darating na panahon.

“Maraming salamat, Kabayan!” ang buong pahayag ng network.

vuukle comment

NOLI DE CASTRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with