^

Pang Movies

Basketball players, kanya-kanya ring eksena sa pagpa-file ng COC

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Basketball players, kanya-kanya ring eksena sa pagpa-file ng COC

Ang dami ring basketball players na papasok sa pulitika. Balitang si Ervic Vijandre, James Yap, Alvin Patrimonio, si Dodot Jaworski, lahat sila balitang magpa-file ng candidacy. Para rin kasing showbiz ang basketball, kilalang kilala rin ang players kaya madaling tandaan ng botante.

Bongga talaga ang magiging gobyerno natin na maraming artista, basketball players, at mga taga-showbiz ang kasali. Talagang siksikan na sila sa public service. Sabagay, nakita mo namang maayos ang naging trabaho nina Mayor Isko Moreno at Mayor Vico Sotto, at marami pang personalidad na pumasok sa pulitika, kaya why not? At least nandiyan na, ang pag-aaralan na lang nila ‘yung maaari nilang gawin para makatulong sa tao.

The more, the merrier, the better. Malay mo, mas mahusay mag-shoot ng bola, mas mahusay sa public service. Give them a chance please.

Pagkikita-kita sa presscon, nakaka-miss din

Alam mo ba, Salve, na siguro nami-miss na rin ng friends nating writers ang pagkikita-kita natin nun tuwing merong presscon. Medyo sad ako to get text from Ronald C., Shirley P., Tessa M., at ilan pa na alam mo na siguro nga miss na rin ang company natin. Iyon bang nagtatanong kumusta na? Hope everything is ok. Para bang ang tagal nang huli kayong magkita-kita.

Saka ‘yung nasa isip mo na sana rin nasa mabuti silang kalagayan lahat. Feel mo talaga na hinahanap-hanap din ng katawan natin ang mga dati nating ginagawa na presscon, kung minsan lagare pa nga dahil sabay-sabay. Kung normal ngang panahon, siguro ang dami ko nang meet the press dahil nga election time next year. Pero dahil sa situation, naiba ang sked, wala munang meet the press, siguro mga intimate lunch o merienda na good for 10 lang ang mangyayari, pero kahit iyon mahirap dahil sa venue.

Hay naku, text text na lang muna, tawag tawag, kaya nga mas lalo mo pang feel ang absence dahil nga sa text at tawag na lang ang communication. Pero matatapos din iyan, huwag na tayong mainip, mapapagod din si COVID, susuko rin iyan.

vuukle comment

JAMES YAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with