^

Pang Movies

Max, walang paramdam sa birthday ng asawang si Pancho

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Max, walang paramdam sa birthday ng asawang si Pancho

Pati kami napa-check sa Instagram account nina Max Collins at Pancho Magno dahil sa nabasa naming comments na hindi raw binati ni Max sa kanyang birthday ni Pancho noong Oct. 2. Wala ngang birthday greetings si Max kay Pancho at sabi uli ng netizens, mabuti pa si Rhian Ramos na birthday kahapon, binati ni Max sa kanyang IG story.

Baka naman in private binati ni Max si Pancho dahil sabi nito, nagkakaintindihan silang dalawa at hindi na sila masyadong nagpo-post sa social media ng mga nangyayari sa buhay nila.

Hirit uli ng netizens, bakit si Carla Abellana, ikakasal pa lang sila ni Tom Rodriguez sa Oct. 23, pero may birthday greetings kay Tom na birthday noong Oct. 1.

Wala na kaming masabi sa sobrang pagso-SOCO ng netizens sa buhay ng celebrities.

Speaking of Max, kaya pala nasabi ni Ina Feleo na mahusay siya sa To Have and To Hold dahil totoo. Mapa-solo eksena niya o eksena nila ni Rocco Nacino at Rafael Rosell, mahusay si Max. Inaabangan na ng viewers ang mga eksena nila ni Carla  na malapit nang mangyari.

Dionne, may kampanya kay Loren Legarda

Ang netizens na ang nagbigay ng rason kung bakit nag-tweet si Dionne Monsanto ng “DO NOT VOTE for LOREN LEGARDA.”

Siguro raw kaya ng-tweet si Dionne na ‘wag iboto si Loren dahil inisip nito na isa si Loren sa mga senador na hindi nag-effort na mabigyan ng new franchise ang ABS-CBN.

Ang nabasa pa namin, may mga isyu ang mga botante kay Loren at sumang-ayon sila sa panawagan ni Dionne.

Abangan natin kung sinong politician ang kakantiin si Dionne.

Paglipat ni Kuya Kim, may nag-nega pa rin

Hindi pala naman lima, kundi tatlo lang (sa ngayon) ang shows ni Kim Atienza sa GMA 7 at ngayong Lunes, lalabas na siya sa 24 Oras. Ibinalita ito mismo ni Kim kay Nestor Cuartero na kanyang nakausap sa telepono.

Ibinalita rin ni Kuya Kim na papasok siya sa Mars Pa More at makakasama niya sina Camille Prats at Iya Villania. Hindi lang nabanggit kung kailan siya papasok sa morning show nina Camille at Iya, baka sa guesting ni Bea Alonzo, kasama na nina Camille at Iya si Kim.

Bukod sa 24 Oras at Mars Pa More, may daily show pa raw si Kim na pre-prog­ramming ng 24 Oras. Ano ‘yun, babawasan ang oras ng Wowowin o mauurong ang time slot ng telebabad?

May mga nag-react pala sa part na ito ng pahayag ni Kim na “The window of opportunity that GMA-7 gave me is just so beautiful, it’s so good, that I have to take it...

“I have so much talent to give. And GMA-7 is giving me that opportunity to be able to make one talent left to ten talents.

“My company, ABS-CBN, is going through so much. And to demand from them to give me that opportunity to be able to express myself will be so selfish...”

Comment ng Kapamilya fans, may work pa sa ABS-CBN si Kim, bakit kailangan niyang umalis? Kahit ano pa raw ang paliwanag ni Kim, hindi nila paniniwalaan at sinabihan itong ‘wag nang babalik sa Kapamilya network kapag nabigyan na ang network ng franchise.

Aljur, hilig ang anak ng action star

Natawa kami sa nabasang comment na iba si Aljur Abrenica dahil puro anak ng action stars ang bet. Si Kylie Padilla nga naman ay anak ni Robin Padilla at ang nali-link ngayon kay Aljur na si AJ Raval ay anak ni Jeric Raval.

Comment ng isa pang netizen, dapat bang kabahan si Lovi Poe? Pati na rin si Ysabel Ortega? Si Fernando Poe, Jr. ang ama ni Lovi at si Ysabel ay anak ni Senator Lito Lapid. Mabuti at hindi isinama si Lala Vinzon na anak ni Roi Vinzon.

May nalungkot namang fans nina Aljur at Kylie sa sinabi ni Kylie na matagal na silang hiwalay ni Aljur at mutual na napagkasunduan na they are free to date other people. Ibig daw sabihin nito, wala nang balikan pang mangyayari sa kanilang dalawa.

vuukle comment

MAX COLLINS

PANCHO MAGNO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with