^

Pang Movies

Albert, hinihintay umamin

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Albert, hinihintay umamin

Hindi pa man naipapalabas sa afternoon block ng GMA ang Las Hermanas drama series kung saan tampok na mga bituin sina Albert Martinez, Faith Da Silva, Yasmien Kurdi, Thea Tolentino, Jennica Garcia, Jason Abalos at iba pa, pinag-uusapan na ang relasyon umano sa pagitan nina Albert (60) at Faith (20) na never na kinumpirma o dinenay ng dalawa.

Nang tanungin si Faith kung posible umano siyang ma-inlab sa sa isang guy na malaki ang tanda sa kanya, agad nito inamin na pagdating sa pag-ibig ay wala umano ang malaking agwat ng edad.

Si Albert ay mahigit anim na taon nang biyudo sa namayapa nitong misis na si Liezl Sumilang-Martinez na sumakabilang-buhay nung March 14, 2015 due to breast cancer. Ang mag-asawa ay may tatlong grown-up children na sina Alyanna, Alfonso at Alissa na may kani-kanyang pamilya na at tig-iisang anak.

Sakali mang totoo ang balita kina Albert at Faith ay wala naman sigurong masama dahil pareho silang single ngayon.

Si Faith ay anak ng actor na nakakulong ngayon na si Dennis da Silva.

Kuya Kim, 16 years din sa TV Patrol

Kumpirmado nang Kapuso ang weather segment host ng TV Patrol na si Kim Atienza o Kuya Kim na nakatakdang magpaalam sa primetime news program ng ABS-CBN sa darating na Biyernes, October 1.

Although wala pang pormal na pahayag si Kuya Kim at ang pamunuan ng GMA, tiyak na umano ang paglipat nito sa Kapuso network kung saan siya nakatakdang magkaroon ng dalawang programa.

Sixteen years naging bahagi si Kuya Kim ng TV Patrol. Nagkaroon din siya ng sariling programa, ang science, educational at environmental show na Matanglawin na tumagal sa ere ng 12 taon pero ito’y kasama sa mga programa na nakansela nang magkaroon ng pandemic at mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN nung isang taon.

Si Kuya Kim ay panganay na anak ng dating mayor ng Maynila-turned Buhay Party-list Representative na si Lito Atienza.  Sumubok din noon si Kuya Kim sa pulitika bilang konsehal ng ika-limang distrito ng Maynila sa loob ng siyam na taon o tatlong termino bago niya pinasok ang pagiging broadcaster.

Bienvenido Lumbera, Founding member din ng manunuri

Punanaw na ang National Artist for Literature na si Bienvenido Lumbera last Tuesday, September 28 sa edad na 89.

Si Bienvenido ay kilala bilang isang Filipino poet, critic, dramatist, professor at book author. Bukod sa pagiging National Artist, tumanggap din  siya ng iba’t ibang parangal at kasama na rito ang Ramon Magsaysay Award for Journalism, Literature and Creative Communication at iba pa.

Si G. Lumbera ay isa sa mga founding officers and members ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino na siyang namamahagi ng Gawad Urian Awards taun-taon.

Mula sa amin dito sa PM, ang aming taos-pusong pakikiramay sa naulilang pamilya ni G. Lumbera.                                                                                                                              

vuukle comment

ALBERT MARTINEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with