^

Pang Movies

Kim, mapapanood din sa GMA?!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Kim, mapapanood din sa GMA?!

Nangangamoy ang pag-apir ni Kim Chiu sa GMA Network soon!

Kasi naman, si Kim ang bagong endorser ng sikat na shopping app ngayon. Kasama na niyang endorsers sina Willie Revillame sa Kris Aquino.

Eh sa Oct. 10, isang TV special na naman ang nakatakdang gawin ng shopping app. Buwan-buwan itong ginagawa kaya ngayon ang special na 10.10 ang inaayos na.

Unang lumabas si Kris Aquino sa monthly TV specials ng app. Pati nga si Xian Lim eh naging bahagi rin ng shopping app TV special.

Siyempre, endorser na ngayon si Kim ng app. Malabo niyang tanggihan ang special kung sakaling hilingin siya ng executives ng app na lumabas sa Oct. 10, huh!

Eh, lumabas man si Kim sa special na madalas napapanood sa GMA Network, hindi naman ibig sabihin ay lalayas na siya sa kanyang network, huh!

Abang-abang tayo sa paglabas ni Kim sa special kung isasama siya sa guests!

National Artist for Literature Bienvenido Lumbera, namatay sa stroke

Pumanaw na ang National Artist for Literature na si Bienvenido Lumbera kahapon, Martes, sa edad na 89.

Ayon sa Instagram post ng talent manager na si Noel Ferrer, “complications of stroke” ang dahilan ng pagpanaw ni Lumbera.

Saad pa ni Ferrer, magkakaroon ng novena masses na nagsimula kahapon hanggang Oct. 8 at mag-abang sa kaukulang anunsyo.

Nakikiramay po kami sa mga naulila ni Lumbera…

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with