^

Pang Movies

Ambisyon pa naman ang pinakamataas na posisyon male personality panay ang sugod, ‘di nakikinig sa mga kaibigan!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Hindi pala nakikinig sa mga payo ang isang male personality na kakandidato sa 2022. Panay lang daw ang sugod nito.

Ang tigas daw ng ulo. Oo nga raw at nanghihingi ng payo sa mga kaibigan nito pero ‘pag binigyan naman daw ng advice, hindi nakikinig.

Eh ang mga tao raw sa paligid nito sa kasalukuyan, walang alam sa pulitika o strategy sa pulitika kaya dismayado ang ibang true friends ng male personality.

Binibigyan daw ito ng ilusyon kaya pakiramdam nito ay mananalo na siya.

Kawawa raw ang male personality ‘pag nagkataon.

Kisses, hinuhulaang papalit kay Rabiya!

Hot topic sa social media ang abs ni Kisses Delavin nang rumampa sa preliminary competition ng Miss World Philippines sa Clark International Airport in Mabalacat, Pampanga na napanood sa KTX.ph.

As in super toned kasi ang abs ng dating PBB housemate.

Ipinakita rin niya ang kanyang ‘miracle walk.’

Sa tanong naman na kung may power siya sa isa sa mga sumusunod, alin ang pipiliin niya? – eliminate poverty or hunger, a government with no graft and corruption, or solve all environmental problems? “I think the closest thing to my heart is eliminating hunger because coming from Masbate, there are a lot of places out there that really need – children who need nourishment. And I think that’s one of the biggest things that I need to focus on as a privileged person.”

Bongga si Kisses. Sinasabi nilang baka nga siya na talaga ang mag-uwi ng korona na manggagaling kay Rabiya Mateo.

vuukle comment

KISSES DELAVIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with