^

Pang Movies

Kris at Perry, chopper ang bridal vehicle!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Kris at Perry, chopper ang bridal vehicle!

Ang bongga naman nina Perry Choi at Kris Bernal dahil hindi sa kotse sila sumakay after their wedding, kundi sa isang helicopter. Helicopter ang bridal vehicle ng mga bagong kasal at sa larawang nakita namin, ang ganda ng ngiti ni Kris habang nakatingin sa bintana.

Malapit lang ang venue ng church wedding sa parish church ng Magallanes Village sa Makati City sa venue ng reception sa Conrad Hotel na nasa Pasay City. Bakit ba, sa gusto ng mga bagong kasal na sa helicopter sumakay.

Tapos na rin yata ang ipinagawang bahay nina Perry at Kris, kaya sa bagong bahay na agad sila titira at hindi na magre-rent.

Hindi kami magugulat kung may gumaya kina Kris at Perry na chopper na rin ang gamiting after wedding vehicle para less traffic at bongga pa!

Angel, bra ang unang naisip nang lumindol

Siguradong marami ang naka-relate kay Angel Locsin sa unang pumasok sa isip nito noong lumindol. Dahil ala-1 a.m. lumindol, nakapambahay na ang lahat at natutulog na nga ang iba.

Sabi ni Angel, “When I felt the earthquake, naisip ko... sh*t wala kong bra. But seriously, ang lakas nun. Hope everyone is safe.”

And speaking of Angel, umabot sa 420,451 ang nag-like sa post niya sa Instagram na ipinakita ang natitira pang fats sa kanyang tiyan at marami-rami pa nga siyang babawasing fats. Ang payo niya sa mga trying to lose weight ay ‘wag magpa-pressure sa sinasabi ng tao.

“Your body, your rules. Just don’t forget to love every inch of you in the process. You are more than your weight or how you look. What’s important is how you feel and think of yourself. Shine. Don’t let the perception of others din your light. I know you are trying. I know it’s hard. I understand.”

Jaclyn, binura ang litrato ni Direk Andoy

Dinelete ni Jaclyn Jose ang Instagram post niya ng old photo nila ni director Andoy Ranay na may caption na “Someday.”  Nang una kaming magtsek, naka-post pa ang larawan nila ni direk Andoy, nang balikan namin ang IG ni Jaclyn, wala na ang litrato. Bakit kaya?

Natuwa pa naman ang netizens na nag-akalang bago ang picture at nagkita at nagkausap na sila at nagkaliwanagan. Nag-react kasi si Jaclyn sa comment ni direk Andoy tungkol sa shows na ginagawa na tinawag nitong “basura.” Kahit walang binanggit na network ang director, nasaktan si Jaclyn na ginagawa ngayon sa GMA 7 ang The World Between Us.

Sana nga, magkita, magkausap, at magkaliwanagan na sina Jaclyn at direk Andoy dahil sayang ang friendship nila na for how many years na mawawala lang dahil sa miscommunication.

Pulitika na ang priority… Ejay, fake news ang paglipat sa GMA

Lumalabas na fake news ang balitang lilipat sa GMA Network si Ejay Falcon dahil parang hindi na nito prayoridad ang showbiz. Tatakbo siyang vice governor sa Oriental Mindoro. Magiging busy siya sa pangangampanya at lalo na ‘pag nanalo, mawawalan siya ng time sa showbiz.

Sa interview ng ANC kay Ejay, nabanggit na gusto niyang makatulong sa kanyang mga kababayan sa Oriental Mindoro. Nag-ikut-ikot na raw siya at mga kasama sa partido at pati mga katutubo ng Oriental Mindoro.

Napakarami raw niyang magagawa kung nasa pulitika siya at nitong pandemic, nagkaroon siya ng chance na makaikot at nalaman niya ang mga problema ng tao. Doon daw siya nagdesisyong tumakbo. May mga naisip na rin silang programa para makatulong sa mga magsasaka.

vuukle comment

KRIS BERNAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with