^

Pang Movies

Sheryn, may matinding birit tungkol sa mapang-abusong relasyon

Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipapamalas muli ng Kapamilya diva na si Sheryn Regis ang galing niya sa pagbirit sa mapangahas niyang awitin na pinamagatang Gusto Ko Nang Bumitaw na mapapakinggan na simula ngayong Biyernes (Setyembre 24).

Tungkol ang bagong Star Music ballad sa paghihirap ng isang tao na umalis sa isang mapang-abusong relasyon at ang tuluyang paglayo niya sa taong minamahal.

“The song gives hope and courage to everyone who’s been struggling and trying to escape an abusive relationship. There is still a chance to move away, to choose yourself and to begin again,” ani ng tinaguriang Crystal Voice of Asia.

Orihinal na isinulat ni Sheryn ang lyrics ng Gusto Ko Nang Bumitaw sa English, na kalaunan ay isinalin sa Tagalog katulong ang manager niya na si Michiko Unso.

Nito lang Marso ini-release ni Sheryn ang homecoming single niya na Tulad ng Dati, na nagsilbi ring ‘comeback’ niya sa showbiz matapos manirahan sa ibang bansa sa loob ng isang dekada. Ngayong Oktubre, nakatakda ring sumabak sa online concert si Sheryn.

vuukle comment

SHERYN REGIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with