^

Pang Movies

Mark at Nicole, mag-asawa na!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Mark at Nicole, mag-asawa na!

Kasal na sina Mark Herras at Nicole Donesa. Ini-reveal nila ito sa kani-kanilang Instagram page kahapon kasabay ng paglabas ng wedding vlog nila sa YouTube.

Naganap ang pag-iisang dibdib ng Kapuso couple noong Sept. 8, na kasabay din ng pagdiriwang ng Feast of the Nativity of the Blessed Virgin Mary. Ikinasal sila via civil ceremony sa opisina ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na siyang nag-officiate ng wedding.

Nag-post ang newlyweds ng kanilang wedding photos at simpleng caption ni Mark, “got married.”

Caption naman ni Nicole, “we tied the knot on Mama Mary’s birthday…”

Sa kanilang vlog ay makikitang napaka-simple nga lang ng kasal at iilang tao lang ang present dahil na rin siyempre sa safety protocols.

Ayon sa mag-asawa, nagdesisyon silang magpakasal na sa huwes dahil gusto na nilang i-legalize ang kanilang pagsasama at siyempre, alang-alang din sa kanilang baby na si Corky na seven months old na ngayon.

“This is all for Corky. Hindi na siya ano, hindi na siya alien,” sabi ni Nicole na natatawa. “Legit na,” dagdag niya.

“Hindi na siya bastardo,” sabi naman ni Mark.

“And we also had to make things legal na. Kaya kami nagpakasal is marami kaming aasikasuhin na hindi namin pwedeng sabihin dito, they are private matters na,” sey pa ni Nicole.

Originally ay church wedding ang balak nila talaga but because of the pandemic ay hindi raw nila ito magawa.

“Kasi kung sakaling ipilit namin ‘yung church wedding, marami ring ‘di makakapunta,” sabi ni Mark.

But definitely ay magpapakasal daw sila sa simbahan soon.

“We’re saving the big celebration for the church wedding, we just don’t know when,” ani Nicole.

Ayon naman kay Mark, hindi pa raw nila masabi kung kailan ang church wedding but hopefully raw ay soon at sana nga raw ay matapos na ang pandemic.

Chiz, na-bash na rin sa sinabi kay Toni

Kung marami ang nangba-bash ngayon kay Toni Gonzaga dahil nga sa interview niya kay Bongbong Marcos, marami rin naman ang nagtatanggol sa kanya.

Isa na nga sa naglaan ng oras para magpahayag ng kanyang depensa kay Toni ay ang mister ni Heart Evangelista na si Sorsoson Governor Chiz Escudero.

Sa kanyang latest tweet, sinabi ni Chiz na may karapatan si Toni na interbyuhin ang sinumang nais nito.

Ang ending, bina-bash na rin ng netizens ngayon si Chiz.

vuukle comment

MARK HERRAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with